Nagreklamo ang isang netizen tungkol sa
kanyang natanggap na package na ipinadala sa courier company na J&T
Express, matapos nyang makita ang laman ng package na basag na.
Ayon sa netizen, basag ang laman ng kanyang
package na isang tablet at basag na ang screen na kanyang nabili sa isang
on-line seller.
Kamakailan lamang ay may nagviral na video
sa Facebook ang nasabing courier service, kung saan makikita na walang
pakundangang hinahagis ng mga tauhan ng J&T ang gabundok na package
papapunta sa loob delivery truck ng kumpanya.
Makikita rin na ang mga nasabing mga tauhan
na naghahagis ng mga pinadalang package ay hindi nakasuot ng damit pang itaas
at walang suot na face mask at gloves na tila mga naglalaro habang hinahagis
ang mga package sa loob ng truck.
Dahil sa walang pakundangan paghagis ng mga
package, kung saan-saan ito napupunta, ang iba pa nga ay umabot pa sa bubong ng
truck, ang iba naman ay lumalampas at bumabagsak sa semento.
Dahil dito, inulan ng batikos at kinundena
ng mga netizens ang maling paraan ng paghandle sa mga package ng nasabing
courier service company.
Naalarma ang marami dahil sa nasabing
video, isa na nga rito ang netizen na si Mirasol Oquendo matapos mapanood ang
nag-viral na video noong nakaraang June 25 sa isang ulat ng "24 Oras” GMA
News, hindi na niya ipinagtaka kung bakit ganoong basag ang screen ng
package na dumating sa kanya dahil na rin sa kapabayaan ng J&T Express.
Sa pamayam ni Ivan Mayrina ng “24 Oras” ng
GMA news kay Mirasol, aniya, “Naka-bubble wrap naman po ’yan, hindi
naman mababasag ’yan kung hindi nila hinagis-hagis. Napabayaan po nila ’yun,”*
Nagpahayag naman ng kanilang panig ang
pamunuan ng J&T Express at humingi ng paumanhin sa insidente at sinabi nito
na kanilang inaako at kanilang papanagutin ang mga sangkot sa naturang viral
video.
Tukoy na umano nila ang mga tauhan na
sangkot sa viral video at hindi nila ito kukunsintihin at papatawan nila ng
karampatang parusa.
“We would like to reiterate that we do not
tolerate such acts and behavior, and we humbly take responsibility for this
incident,” pahayag ng
J&T.
“We have already identified all the involved
personnel in the video. Proper sanctions will be given to them
accordingly,” dagdag
pa nito.
Tinitiyak nila na isang isolated case ang
lang daw ito at ang lahat ng kanilang pasilidad ay mahigpit na mino-monitor at
mahigpit ang kanilang protocol sa mga bagaheng pinadedeliver sa kanila.
“All of our facilities including our
branches and warehouses across the country are under 24/7 strict monitoring. We
also follow strict protocols in handling the shipments and ensure that these
are handled with proper care,” sabi
ng J&T Express.
Ayon pa sa Department of Trade and Industry
(DTI),sa nakalipas na limang taon, dalawapung beses na mas marami
ang bilang ng mga reklamo na kanilang tanggapan sa DTI-Consumers
Protection Group sa kanilang on-line complaints resolution, kabilang na dito ang
reklamo sa mga defective at damaged products*
Ayon naman sa pahayag ni Undersecretary
Ruth Castelo ng DTI Consumer Protection Group, "It is the seller in turn
that engages the services of the courier provider. If the goods are received
damaged, defective or in bad condition the buyer may always go after the
seller. Ang seller palagi will have to answer for a repair or refund of the
money paid."
Payo pa ng DTI, sa mga pag kakataong ganito
kung saan sira sira o defective ang mga nakarating na inorder nyong produkto
mula sa online seller, tulad nalang sa nangyari kay Mirasol, sa seller daw
dapat tayo mag reklamo at ang seller naman ang mag hahabol sa courier service
company.
Dagdag pa ng DTI, napakahalaga umano na
bumili lamang sa mga kilala at lehitimong on-line seller. Dapat din nating
alamin ang address at contact number ng online seller at hindi sa mga fly by
night na seller lamang kung saan ay mahirap ng habulin pagka nagkaroon ng aberya.
"Please
make sure that you know the physical address and contact numbers or contact
details of the seller, hindi sana ito yung mga fly by night that when you file
a complaint, hindi na sila macontact." giit ni Usec.
Castelo.