Viral ngayon ang message ni Alodia Gosiengfiao sa isang aspiring streamer na nawawalan na ng pag-asa sa pagli-livestream.
Alodia Gosiengfiao / Photo credit: Wuzzup Pilipinas
Sa Kanyang Facebook post, ibinahagi ni Gosiengfiao ang screenshot kung saan sinabi ng netizen na si Monmon na “nakaka discourage lang din talaga lalo kapag walang sumusuporta sayo.”
Ani Monmon, yung mga inaakala niyang susuporta sa kanya ay hindi niya maasahan. Pero hindi raw siya mawawalan ng pag-asa dahil meron siyang pangarap na gustong maabot.
Sinagot naman ni Gosiengfiao si Monmon at ikinuwento kung papano siya nag-umpisa bilang streamer.
Aniya, 17years ang kanyang iginugol upang maabot niya kung ano man ang meron siya ngaun.
Alodia Gosiengfiao / Photo credit: Rappler
Dati raw ay sinira pa ng kanyang ina ang computer na ginagamit niya dahil palagi siyang naglalaro. Pagka-graduate niya ng kolehiyo ay ipinagpatuloy parin niya ang kanyang passion at naging matiyaga siya.
Payo niya kay Monmon ay maging mabuti kanino man at huwag mawalan ng pag-asa.
“Trust the process! Always be kind to others! Don’t be discouraged,” sabi ni Gosiengfiao.
Narito ang comment ni Monmon:
"Minsan nakaka discourage lang din talaga lalo kapag walang sumusuporta sayo. Yung mga taong ineexpect mong tutulong sayo sa ginagawa mo ay siyang hindi mo maaasahan. Kakaumpisa ko lang ng livestreaming Share dito share doon. Ako lang mag isa nag sshare ng lahat ng pinopost ko dahil wala naman ding ibang tutulong. Nakakapag mukhang tanga din minsan at d ko alam kung may mapupuntahan ba talaga to. Pero para sakin tiwala lang may pangarap akong gustong maabot kaya hindi ako susuko. Sana tong 140 followers ko maging 140k balang araw hindi ako susuko."
Basahin ang comment ni Gosiengfiao sa ibaba:
"When I started gaming.. wala po sumusuporta. Sinira ng mom ko PC ko kasi mashado ako naglalaro. But I still found a way. Nabalance ko studies, gaming and other hobbies (art/cosplay/business). Graduated ADMU and still pursued my passions without expecting anything in return nor anyone to help me. Parati ang nasa isip ko, masaya ako sa ginagawa ko, wala ako ginagamit/tinatapakan and may natutulungan ako. At patient po ako. What I have now, I never asked for, dumadating nalang po and I am very grateful for that. I wish more people would realize that ok may skills, ok yung presentable yung stream/game, but malaking bagay po yung values and pagkatao ng isang tao. Trust the process! Always be kind to others! Don’t be discouraged, it took me 17yrs from my first online game (RO 2003) Good luck po!"
***