Ilang journalist ang naglabas ng kanilang mga saloobin patungkol sa nangyaring paninita ng apat na pulis kay GMA (DZBB) reporter Mark Makalalad.
Sa Tweet ni GMA reporter JP Soriano, nagulat umano siya sa pangyayari kasabay nito ay pinuri niya si Makalalad dahil sa maayos na pag-handle niya sa sitwasyon.
“Ang tindi nito! @MMakalalad pero you handled yourself very well to what appears to be a very awkward & bizarre situation .@pnppio @PNPChiefGamboa Paki check naman po ito mga sir.”
Para kay Bernaby Lo, ang ginawa ng apat na pulis ang halimbawa ng mga dahilan kung bakit marami ang umaalma sa anti-terr0r bill.
Screencap from JP Soriano's Twitter account
Para kay Bernaby Lo, ang ginawa ng apat na pulis ang halimbawa ng mga dahilan kung bakit marami ang umaalma sa anti-terr0r bill.
“GMA reporter Mark Makalalad does a live report in what’s clearly a public area. Police approach him telling him he needed prior coordination, and then one of the cops finally says… ‘BAKA KASI KALABAN KA.’ Wala pang anti-terr0r law nyan. Is the fear of abuse unfounded?"
Idinaan naman ng journalist na si Jeff Canoy ang kanyang opinyon at sinabing ibalik na lamang daw ang classic uniform ng mga media upang makilala sila ng mga pulis.
Screencap from Barbaby Lo's Twitter account
“Marikina police says Super Radyo reporter was confronted because he had no ID, not in uniform” Journo friends, ibalik na ang mga fedora hat, pipa at trench coat o kaya 80s chaleco ano po opo.“
Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, inilahad ni Makalalad ang ginawang paninita ng apat na pulis sa kanya matapos ang kanyang live report sa Marcos Highway.
Screencap from Jeff Canoy's Twitter account
Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, inilahad ni Makalalad ang ginawang paninita ng apat na pulis sa kanya matapos ang kanyang live report sa Marcos Highway.
“I was doing a live traffic report in Marcos Highway (Marikina area) earlier, when a group of 4 policemen approached me after my report. They asked me, ‘Sir, media ka ba? Patingin ng ID mo?’” sabi ni Makalalad.
“They said, ‘Dapat po nagpaalam kayo sa amin na mag-la-live po kayo.’”
Ipinaliwanag ni Makalalad sa mga pulis na hindi niya kailangang kumuha ng permiso sa mga live reports na kanilang ginagawa sa iba’t ibang lugar araw-araw.
“Hindi naman po sir, pero kailangan niyo po ng coordination kasi vinideohan niyo po kami,” sabi umano ng isang pulis.
Ipinakita raw ni Makalalad ang video sa mga pulis upang patunayan na hindi sila vine-videohan.
“Ito ang argument ko: kunwari ordinary citizen lang ako at naglalalakad at nagvi-video, kunwari, vlogger, kailangan ko rin bang magpaalam sa kanila? Sumagot ‘yung isang pulis, baka kasi sir ‘kalaban ka,’” sabi ni Makalalad.
“Doon nagpantig ang tenga ko.” dagdag nito.
Tinanong raw ni Makalalad si Joint Task Force COVID SHIELD chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar kung mayroong direktiba na kailangan humingi ng permiso sa mga pulis tuwing magsasagawa ng mga live reports.
"Walang ganyang instruction, Mark.” sabi ni Eleazar.
Narito pa ang ibang reaksyon ng mga journalists patungkol sa insidente.
Screencap from Atom Araullo's Twitter account
Screencap from Raffy Timas' Twitter account
Screencap from Mariz Umali's Twitter account
Screencap from Tina Panganiban Perez Twitter account
Screencap from Jeff Canoy's Twitter account
Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) spokesman Brigadier General Bernard Banac, makikipag ugnayan umano sila sa Marikina Police kung bakit ganoon ang naging asal ng kanilang mga pulis.
“But definitely, we have no policy that requires media to ask prior permission from PNP to do live report in public places,” sabi ni Banac.
“The PNP treats media as [an] ally and partner in maintenance of peace and order and will always uphold the freedom of the press,” dagdag ni Banac.
Ipinagtanggol naman ng Marikina City Police chief Police Colonel Restituto Arcangel ang ginawa ng kanyang mga pulis at sinabing wala silang ginawang “inappropriate”.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arcangel na dalawang pulis at dalawang Marine ang lumapit kay Makalalad dahil hindi umano ito nakasuot ng uniporme at walang identification card na nagpapatunay na siya ay nasa media.
"I don’t think our troops did something inappropriate considering the circumstances. Hindi nila nakilala si Mark Makalalad dahil hindi siya naka-uniform, walang ID," sabi ni Arcangel.
***
Source: LionHeart TV