Larawan mula sa Facebook at Google |
Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ngayon dahil sa pandemyang COVID-19. Marami sa ating mga kababayan ang lalo pang naghihikahos sa buhay.
Marami ang nawalang ng trabaho dahil sa mga nagsarang kumpanya, mga tigil pasada ng mga pampublikong sasakyan, mga kainan o restaurant na di makapagbukas at iba pang mga pahirap.
Maswerte na ang iba na sa kabila ng kahirapan, ay patuloy pa rin nakaka-survive, may sweldo pa ring natatanggap at higit sa lahat, malusog pa rin ang pangangatawan.
Ngunit paano na ang iba nating kababayan na kabi kabila ang hirap at suliranin na kinakaharap sa buhay? yung mga kababayan nating lugmok na sa kahirapan at talaga namang wala ng mapagkukunan ng makakain sa pang araw-araw.
Isa na rito ang kwento na ibinahagi ng isang netizen na si CherryVin Rivera Po, isang matandang lalaki ang lumapit sa kanilang magkakaibigan upang manghingi ng kaunting tulong pambili ng gatas ng kanyang apo.
Ayon sa kwento ng lolo sa kanila, taga-Baseco, Tondo siya at kasama sila sa mga nasunugan doon kamakailan lang.
Naiiyak na nag kukwento si lolo sa sinapit ng apo dahil nasunog daw ang binti nito at gutom na gutom na rin ito. Na-mild stroke na din daw si lolo noon kaya naman hirap na rin syang kumilos.
Kasama nya ang kanyang anak at apo, at siya ay tumakas lamang sa kanyang anak upang manghingi ng tulong para sa kanyang apo.
Ani lolo, hindi na nya matiis ang kanyang apo, dahil sa sobrang nagugutom na ito at wala ng mainom na gatas.*
Kaya naman naglakas loob na syang manghingi ng tulong sa bawat makakasalubong para may maipadede sa nagugutom nyang apo.
Dagdag pa ni CherryVin, gatas ang hinihingi sa kanila ni lolo, at dahil sa wala naman silang gatas kaya kaunitng pera ang kanilang binigay.
Pagkahingi sa kanila ng pera, agad itong pumunta ng tindahan upang bumili ng gatas. Ngunit maya-maya ay bumalik din ito dahil kulang daw ang kanilang binigay na pera pambili ng gatas.
Kaya naman, dinagdagan nila ang perang binigay at matapos makabili ng gatas ni lolo, ay bumalik uli ito sa kanila para ibigay ang sukli sa nagmagandang loob sa kanya.
“Habang nagkukwento si tatay, naiyak na sya. Ang sakit sa dibdib ng kwento ni tatay. Nakakaiyak habang nag kukwento siya,” paliwanag ng netizen.
Nakaramdam ng kurot sa kanyang puso si CherryVin, kaya di na sila nagdalawang isip sa pagbigay ng kaunting halaga na nakayanan nila.
Nagpasya ang netizen na ibahagi ang kalagayan ni lolo at ng kanyang anak at apo, nais nyang manawagan sa mga netizens na tulungan din ng iba si lolo, lalo na ngayong may matinding krisis ang ating bansa.
Narito ang buong kwento ng netizen na si CheryVin Rivera Po sa kanyang Facebook post:*
Baka mapadaan po sainyo si tatay. Pakitulungan naman po si tatay, sya po taga baseco tondo . Sila daw po ay nasunugan. At ang kanyang apo ay nangangailangan ng maidede. Hindi.sya namamalimus nanghehenge lang po sya ng pang gatas para sa kanyang apo. Lumamit po sya saamin para mang henge ng gatas binigyan po namin sya ng konting pera.
Umalis si tatay pumunta sa tindahan pero kulang pa pambiling gatas bumalik sya ulit saamin kulang pa yung pera nya nag dagdag kami ng 50 pesos para makabili sya . Muli syang bumalik sa may tindahan para makabili ng gatas nung nakabali na sya bumalik saamin nag pasalamat pinakita yung binili nyang gatas at nagbabalik ng sukli . Pero sabi.namin skanya, sige tay sayo.yan pamasahe mo na yan .
Si tatay mild stoke na. Tumakas lang daw po sya sa kanyang anak kasi di nya.matiis ang kanyang apo na umiiyak dahil gutom at. Sunog daw yung binti. Habang nag kkwento si tatay naiyak na sya. Ang sakit sa dibdib ng kwento ni tatay. Nakakaiyak habang nag kkwento sya. SANA PO MATULUNGAN NYO SI TATAY KAPAG NAPADAAN SAINYO. HINDI SYA.NANGHIHINGI NG PERA GATAS PO HINIHINGI NYA PARA PO SAKANYANG APO . Maraming salamat po godbless you all.