Lolo na nakiusap sumakay ng jeep, pinagpapal0 umano ng tungkod ng anak - The Daily Sentry


Lolo na nakiusap sumakay ng jeep, pinagpapal0 umano ng tungkod ng anak





Larawan mula sa Facebook post ni Chris Asuncion



Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nasaksihan na eksena sa isang jeep na tinanggihan umano pasakayin ng driver dahil matanda at bawal pang lumabas.

Mapilit si lolo dahil gusto daw niyang umuwi sa isa niyang anak. "Uuwi ako sa anak ko kasi pinalayas ako nung isa kong anak, pinalo-palo pa ako ng tungkod ko,"


Ayon kay Chris Asuncion, ang netizen na nag post, hindi siya perpektong anak dahil minsan ay sumasagot siya ngunit masasabi niyang hindi niya kayang gawin na saktan ang kanyang mga magulang.

"Nakasabay ko lang siya sa Sasakyan then ayaw pa sana siya pasakayin ng Driver kasi daw matanda, pero nung tinanong ko po si lolo sabi niya "UUWI AKO SA ANAK KO NA ISA KASI PINALAYAS AKO NG ISANG ANAK KO NA ISA AT PINALO PALO NIYA AKO NG TUNGKOD KO"

Di po ako nagmamalinis kasi di po ako ganoong kabuting anak pero never ko po sinaktan inshort diko po kayang paluin o anuhin ang magulang ko, Lumalaban ako sakanila pero sa salita lang diko naman kayang saktan sila physical ," 

Hindi din niya mapigilan ang mapaluha sa kanyang nakita at hindi niya lubos maisip na may gagawa ng ganoon sa kanyang magulang.

kaya nung nakita ko yang si lolo napatulo luha ko kasi naisip,,,may mas masahol papala sa akin ...
Always remember guys dont hurt your parents especially in Physical kasi without them your not here,..

Payo ni Chris, mahalin natin ang ating mga magulang at huwag sasaktan kahit ano pa ang problemang pinag daraanan.

"Kaya sana mahalin niyo magulang niyo  father's day na Father's Day ginaganyan mo tatay mo" aniya*

"Marami man tayong problema lalo na sa panahon ngayon, hindi ito sapat na dahilan para manakit ng kapwa higit sa lahat ng magulang." dagdag pa ni Chris

Sinabi din niyang kahit maraming problema ang dumarating lalo na sa panahon ngayon, hindi ito sapat para manakit ng kapwa lalo na kung magulang mo pa.

"Ikaw na anak maski anong ginawa sayo ng magulang mo wag na wag kang lumaban physicaly, matanda na yang tatay mo dika man lang naawa dimo naisip na nung bata kapa binihisan ka niyan all though ipagpalagay natin na dati grabe pinagdaanan mo sa kaniya pero di yun rason para ibalik mo sa kaniya ang ginawa niya sayo kasi Parents is Parents tapos ang sobrang sakit pa kahit Tsinelas wala siya kasi pinapalayas mo siya, dika man lang marunong tumanaw ng utang na loob.


Oo madami tayo pinagdadaanan lalo sa ganitong mga sitwasyon... Pero ndi nman tama na, manakit ka ng kapwa lalo na ng magulang mo...." ayon pa kay Chris

"Ndi lng ikaw ang may pinagdadaanan.. Ndi lng ikaw ang may mabigat na pinapasan..

Ndi lng ikaw ang naghihirap... Halos lahat ngaun problemado sa pagkain palng sa araw araw... Sa pangbayad sa ilaw at kuryente... Sa pangbayad ng inuupahang bhay... Sa pagtitiyaga makapasok sa trabaho kahit na ndi safe matustusn lng ang pangangailangan ng pamilya... Kaya ikaw na mapanskit sa magulang tandaan mo ndi cla habambuhay nasa tabi mo.... At tulad nla.. Tatanda ka din at marerealize mo lahat ng mga pinaggagagawa mo sa kanila.... Habang may pagkakataon pa himingi ka ng paumanhin at tawad sa kanila...." dagdag din niya*

Maging ang mga netizens ay nahabag sa matanda at di napigilan na magalit sa malupit na anak.  Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe:
"May kasabihan na Kapag minahal ay inaruga mo dw ang magulang mo, hindi ka pagdadamutan ng langit ng biyaya at kaluwagan sa buhay..,.....Bakit may mga anak na ganyan kasalbahe sa magulang..."
"Walang hiyang anak hindi siya nabuhay kung wala ang ama nya. May KARMA rin ang anak na gumawa sa kanya ng ganyan. God bless you lolo"
"dapat ang magulang ginagalang yan.kahit anung pagkakamali nila dapat igalang parin dahil kung wala ang magulang nila wala rin sila sa mundo.at yan din ang utos ng Diyos sa ten commanments mahalin at igalang ang magulang."

 "ika nga ng kasabihan kng anu ang iyong itinanim yan din ang iyong aanihin ksya ung mga anak na walang utang na loob sa mga magulang at walang respito sa magulang tandaan ninyo sasagutin ninyo sa Panginoon ang inyong masasamang ginagawa sa mga magulang!"