Larawan mula sa Onedio |
Marahil ay marami ang nagtatanong at nagtataka kung posible nga bang mangyari na mabuntis at magsilang ng isang sanggol ang isang batang limang taong gulang pa lamang.
Ito ay pinatunayan ni Lina Medina, isang limang taong gulang na bata na nakakuha ng record ng "World’s Youngest Mother" kung saan ay nabuntis at nagsilang siya ng isang malusog na bata mula sa kanyang sinapupunan.
Ang nakakagulat na world record ay nangyari sa bansang Ticrapu, Peru. Dahil sa edad na limang taon na tila musmos pa lamang ay nagsilang na kaagad ito ng sanggol.
Noong una ay sobra ang pagtataka ng mga magulang ni Lina kung bakit lumalaki ang tiyan ng kanilang anak at inakala nilang isa itong karamdaman o isang 2mor.
Larawan mula sa Onedio |
Upang malinawan ay dinala si Lina sa espesyalista upang suriin ang tunay niyang kalagayan at napaglaman na nagdadalang tao siya at nasa pitong buwan na ang kanyang sinapupunan.
Lubhang nagulat ang doctor na si Dr. Gerardo Lozada at magulang ni Lina matapos malaman na buntis nga ang bata. Ilang linggo pa ang lumipas ay tuluyan na ngang nanganak ni Lina.
Marami ang nagtatanong kung bakit nga ba nangyari ito kay Lina.
Kung kaya naman ipinasuri si Lina sa iba't-ibang doctor upang malinawan at malaman ang kundisyon nito at napag-alaman ngang ang kundisyon ni Lina ay tinatawag na 'precocious puberty,' kung saan isa sa mga 10,000 na bata ang maaaring makaranas nito.
Larawan mula sa All That's Interesting |
Ang kundisyon na ito ay maaari nang mabuntis ang isang babae kahit nasa murang edad pa lamang ito.
Napag-alaman din ng mga eksperto na sa edad pa lamang na tatlo ay dinadatnan na ng dalaw si Lina at mapapansin din ang mabilis na paglaki ng kanyang bewang, dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan.
Marami naman ang nagtataka kung sino nga ba ang ama ng kanyang anak at kung sino nga ba ang nakabuntis kay Lina.
Marami ang nagsasabi na ang kanyang ama na si Tiburelo Medina ang tumangkang umabuso sa kanyang anak.
Dahil dito ay dinakip ang kanyang ama ngunit hindi naman ito nagtagal sa kulungan dahil wala umanong matibay na pruweba.
Larawan mula sa PML Daily |
Ilang taon na ang lumipas ay tila magkapatid lamang si Lina at ang kanyang anak dahil sa hindi nalalayong edad ng dalawa.
Hindi pa rin naman matapos-tapos ang tanong ng karamihan kung sino nga ba ang ama ng anak ni Lina.
Sa paglipas ng panahon ay mas pinili ni Lina na manahimik na lamang na tanging siya lang ang nakakaalam sa kanyang lihim at mas piniling mamuhay ng normal.
Kahit pinili ni Lina na manahimik nalang at pagtakpan ang taong gumawa sa kanya nito, habambuhay pa ring dadalhin ni Lina ang kanyang hindi magandang naging karanasan.
Kung ikaw ang tatanungin kabayan, sino nga ba ang gumawa nito kay Lina at dapat lang ba na ipagpatuloy niya ang kanyang pananahimik?
Kahit pinili ni Lina na manahimik nalang at pagtakpan ang taong gumawa sa kanya nito, habambuhay pa ring dadalhin ni Lina ang kanyang hindi magandang naging karanasan.
Kung ikaw ang tatanungin kabayan, sino nga ba ang gumawa nito kay Lina at dapat lang ba na ipagpatuloy niya ang kanyang pananahimik?
****
Source: The Story Behind