Larawan mula sa video ng ABS CBN |
Hinangaan
ng marami ang isang 55-anyos na ina sa Batangas City dahil ito ay nakapagtapos
ng kursong Business Administration habang nagtatrabaho bilang street sweeper.
Proud ang
pamilya ni Ofelia Mondaya dahil sa sipag at tiyaga at nakapagtapos ito ng kolehiyo.
Madalas daw itong nakikita sa mga lansangan sa Barangay Poblacion sa Batangas City.
Ayon sa ulat
ng Kami, dahil lumaking mahirap ay grade 4 lang ang inabot ni Ofelia. Siya
naman ay nakapasa sa Alternative Learning System na programa ng Department of
Education, kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapag kolehiyo.
Matapos
pumasa sa ALS, binigyan siya ng scholarship ng lokal na pamahalaan ng Batangas
City.
Si Ofelia
ay nakapagtapos ng Colegio ng Lungsod ng Batangas sa kursong Business
Administration matapos ang pagtitiyaga ng apat na taon.
Sa kabila
ng banta ng COVID-19 sa bansa, si Ofelia ay bahagi ng frontliner dahil patuloy itong
nagtatrabaho at naglilinis ng lansangan.
Ayon kay
Ofelia, matagal na niyang pangarap ang makapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi
niya ito natupad kaagad dahil lumaki siya sa isang broken family.
Masayang
masaya ang mga anak ni Ofelia dahil natupad nito ang kanilang pangarap para sa
ina kahit walang graduation ceremony dahil sa pandemya. *
Larawan ng pamilya ni Ofelia |
“Sobrang
pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho,
magwawalis tapos uuwi siya ng umaga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi
marami siyang assignment," pagbabahagi ng anak ni Ofelia na si Crizel.
Ayon pa sa
mga anak ni Ofelia, hindi man sila nakapag kolehiyo at tinupad naman ng kanila
ina ang pangarap nil na maka graduate.
“Proud na
proud kami sa kaniya. Hindi man kami nakapagtapos, katulad ng kanyang
pinapangarap sa amin, masaya kami kasi siya 'yung halos tumupad na rin ng
pangarap namin," ayon kay Crizel.
Payo ni Ofelia,
kailangang maging positibo at huwag hintanyin na magka edad bago mag aral.
Larawan mula sa video ng ABS CBN |
“Huwag na
po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral…
Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin 'yung tama
at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa," ayon
kay Ofelia