Larawan mula sa GMA News Online |
Isang 24-taong-gulang
na lalaki sa Quezon ang nakakaranas ng pangungutya ng kanyang kapwa dahil sa
kanyang pa ana lumaki nang higit dalawang beses sa sukat nito.
Sa isang episode
ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ibinahagi ni Rene na ang kanyang
kaliwang paa ngayon ay may timbang na higit sa 25 kilograms.
Mayroon
lamang daw apat na pares ng pantalon si Rene, na angkop sa kanyang kalagayan.
Para kumita
ng pera, tinutulangan niya ang kanyang ina na si Pablita na manahi ng mga sombrero
ngunit limitado lang ang kanyang nagagawa para dito dahil sa kondisyon niya.
“Nahirapan
siya tumindig kasi pag natindig siya, parang nabibigatan siya. ‘Yung kanyang
kaliwang paa, walang lakas. Parang walang buto. Hindi niya maitungtong mabuti
(He has a hard time standing because his leg is too heavy. His left leg has no
strength. He can’t stand on it properly),” ayon sa ina ni Rene.
At habang lumalaki
ang pa ni Rene, kahit ang kanyang mga pinasadyang pantalon ay unti-unti ring
napupunit.
“Tinatanong
ko kung bakit kay Reneboy pa nangyari iyong kapansanan. Bakit, mahal na Diyos,
doon pa binigay sa anak ko ang ganoon? Sana hindi, hindi sa anak ko binigay
‘yun (I kept asking the Lord why Rene was given such a condition.)” ayon kay
Pablita
Sa
paniniwala ni Pablita, nakuha ni Rene ang karamdamang ito dahil mahilig daw
siyang kumain ng karne ng kalabaw noong siya ay nagbubuntis pa lamang.
Ayon daw sa
isang paniniwala ng mga matatanda, kung anu man ang katangian ng pinaglilihian
ng babae ay maaring makuha ng bata.*
Noong una
ay pumapasok din si Rene sa paaralan ngunit kainailangan niyang huminto matapos
makaranas ng pang bu-bully.
Ayon kay
Rene, kahit sino sa mga ka-eskwela niya ay ayaw makihalubilo sa kanya lalo na
kung mayroong group activity sa kanilang klase.
“Sana hindi
na ako tumigil sa eskuwela. Sana may trabaho na sana ako kung wala akong sala.
(I wished I continued going to school. I would’ve had a proper job),” kwento ni
Rene
Sinabi daw
sa kanya ng kanyang ama na huwag pansinin ang mga nagtrato sa kanya ng masama,
ngunit hindi na matanggap ni Rene ang lahat ng pang-aapi, kaya tumigil na siya
sa pag-aaral.
Ayon sa
pagsusuri na ginawa sa paa ni Rene sa tulong ng KMJS, ang karamdaman nito ay elephantiasis.
Sinabi ni Dr.
Chuen-yin Dy, espeyalista ng infectious disease, ang kondisyong ito na ay nagmula
sa filariasis, isang parasitic disorder na hindi nagamot ng maayos.
Sinabi rin
ni Dy na walang gamot para sa sakit. Wala ring katibayan na maiugnay ang mga
cravings ng pagkain sa panahon ng pagbubuntis sa isang kondisyon ng bata.
“Sa lahat
ng nakakita nito, sana matulungan ninyo ako na mawala ito, na sobrang hirap.
Napakahirap ng kalagayan ko. Sana mawala na ito para mabuhay ako nang normal
katulad ng iba. Kahit sana na matulungan man lang ako na mawalan ito nang
kaunti kasi hindi man lang maibalik sa dati” panawagan ni Rene