Gwardya sa Maynila, nagsilbing guro sa mga batang palaboy habang naka-duty noong panahon ng lockdown - The Daily Sentry


Gwardya sa Maynila, nagsilbing guro sa mga batang palaboy habang naka-duty noong panahon ng lockdown






Screencap photos from Mission Possible


Nagsilbing guro ang isang security guard sa Maynila sa mga batang kalsada noong lockdown habang ang mga eskwelahan ay pansamanatalang pinasara upang maiwasan ang pagkalat ng pandemyang Covid 19.


Si Kuya Rene Abelita, ay isang guwardya sa  Palawan Pawnshop na malapit sa Arellano University ay natyempuhan ng isang netizen na tinuturuan magbasa at magsulat ang mga batang palaboy habang ito ay naka-duty.





Ayon kay John Robert Flores, ang netizen na kumuha ng litrato habang ang mga bata ay seryoso na nagbabasa at nagsusulat habang sila ay tinuturuan ni kuya Rene nitong nakaraang May 27, 2020.



Ani pa ni Flores, naantig ang puso nilang mag-asawa sa kanyang nakita at habang sila ay nagpapadala ng items sa Palawan Pawnshop. 


Madalas rin silang napapadaan sa lugar na iyon at madalas nyang nakikita ang mga bata at si kuya Rene habang nag-aaral. 

Kaya naman noong araw na iyon ay hindi na nya napigilan ang sarili at kanya na itong kinuhaan ng litrato upang ibahagi sa social media ang nakakantig na tagpo.

“Nakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano, but still tinuruan nya parin kasi may busilak siyang puso. I salute you Kuyang SG, sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan.” ayon sa Facebook post ni Flores.

Agad itong nagviral sa Facebook at labis na hinangaan ng mga netizens si Kuya Rene sa kanyang kabutihang puso at pagmamalasakit sa mga bata.

“Mabait po talaga sya at magalang pa, palabati pa at palangiti…” komento ni Ma Lou sa FB post tungkol sa butihing gwardya.



“Rene Abelita NASA dugo mo talaga ang matulungin at maawain…at Isa pa Ang pinaka mahalaga don Yung pusong mapagmahal.. Salute tlg AQ don.” Ani naman ng isang Donna Azucena Alimon.


"God bless you Teacher Rene . May he also be supported with free school supplies like. Notebook, pencil and pens so that street children can learn and remember what was taught to them. Plus May other School owner or principal give. Guard Rene free online teaching methods so he can better help the street children . You will be richly rewarded by the Lord. More power..." ayon naman sa isang komento

Nang kapanayamin ni Julius Babao sa kanyang programang Mission Possible sa Facebook page nito, minabuti ni Kuya Rene na samatalahin ang pagkakataon na matulungan ang mga batang paslit na naglalaro lamang sa kalsada. kahit na may bantang panganib na dulot ng covid 19. 

Mas mainam na lang na turuan ang mga ito ng mas kapaki-pakinabang, dahil alam nyang ang mga magulang nito ay wala ring kakayahan pag-aralin sila dahil na din sa kahirapan. 


At dahil dito, sinuklian ng Mission Possible ang kabutihang pinamalas ng gwardiya at biniyayaan ito ng dalawang sakong bigas, mga itlog, at ang higit nyang kailangan, ang isang pack ng hygiene essesntials.



Binigyan din si kuya Rene ng P4,000 para sa renewal ng kanyang lisensya upang patuloy itong makapag-duty sa kanyang trabaho.



Bumuhos ang iba't-ibang tulong kay Kuya Rene mula sa mga netizens habang ito ay hindi makauwi sa kanyang pamilya sa probinsya.



Nag-anunsiyo kamakailan ang Department of Education na magsisimula ang klase sa Agosto 24, kung saan ang mga mag-aaral ay sa bahay na lamang muna magsasagawa ng klase o ang tinatawag na home schooling, upang maiwasan ang pagkahawa sa covid.


Inaasahan na ang lahat ay makakasunod sa sa bagong patakaran ng DepEd at inaasahan na ang makakapaghanda sa tinatawag ng "new normal".