GMA Reporter sinita ng apat na pulis: "Baka kalaban ka" - The Daily Sentry


GMA Reporter sinita ng apat na pulis: "Baka kalaban ka"



Kinompronta ng apat na pulis ang Super Radyo dzBB reporter na si Mark Makalalad matapos nitong mag live report sa Marcos Highway noong Huwebes.

Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Makalalad kung papaano siya nilapitan at hinanapan ng ID ng mga pulis matapos ang kanyang live report sa Dobol B sa News TV.

I was doing a live traffic report in Marcos Highway (Marikina area) earlier, when a group of 4 policemen approached me after my report. They asked me, ‘Sir, media ka ba? Patingin ng ID mo?’” sabi ni Makalalad.

They said, ‘Dapat po nagpaalam kayo sa amin na mag-la-live po kayo.’”

Ipinaliwanag ni Makalalad sa mga pulis na hindi niya kailangang kumuha ng permiso sa mga live reports na kanilang ginagawa sa iba’t ibang lugar araw-araw.

“Hindi naman po sir, pero kailangan niyo po ng coordination kasi vinideohan niyo po kami,” sabi umano ng isang pulis.

Ipinakita raw ni Makalalad ang video sa mga pulis upang patunayan na hindi sila vine-videohan.

Ito ang argument ko: kunwari ordinary citizen lang ako at naglalalakad at nagvi-video, kunwari, vlogger, kailangan ko rin bang magpaalam sa kanila? Sumagot ‘yung isang pulis, baka kasi sir ‘kalaban ka,’” sabi ni Makalalad.

“Doon nagpantig ang tenga ko.” dagdag nito.

Tinanong raw ni Makalalad si Joint Task Force COVID SHIELD chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar kung mayroong direktiba na kailangan humingi ng permiso sa mga pulis tuwing magsasagawa ng mga live reports.

"Walang ganyang instruction, Mark.” sabi ni Eleazar.

Ayon naman kay Philippine National Police (PNP) spokesman Brigadier General Bernard Banac, makikipag ugnayan umano sila sa Marikina Police kung bakit ganoon ang naging asal ng kanilang mga pulis.

But definitely, we have no policy that requires media to ask prior permission from PNP to do live report in public places,” sabi ni Banac.

The PNP treats media as [an] ally and partner in maintenance of peace and order and will always uphold the freedom of the press,” dagdag ni Banac.

Ipinagtanggol naman ng Marikina City Police chief Police Colonel Restituto Arcangel ang ginawa ng kanyang mga pulis at sinabing wala silang ginawang “inappropriate”.

Sa isang pahayag, sinabi ni Arcangel na dalawang pulis at dalawang Marine ang lumapit kay Makalalad dahil hindi umano ito nakasuot ng uniporme at walang identification card na nagpapatunay na siya ay nasa media.

"I don’t think our troops did something inappropriate considering the circumstances. Hindi nila nakilala si Mark Makalalad dahil hindi siya naka-uniform, walang ID," sabi ni Arcangel.

Narito ang buong post ni Makalalad:

"Today’s experience:

I was doing a live traffic report in Marcos Highway (Marikina area) earlier, when a group of 4 policemen approached me after my report.

They asked me, “Sir, media ka ba? Patingin ng ID mo?”

I answered, “Sir, nasa mobile po nag-live report kasi ako kaya hinubad ko muna” (nakapark lang kami near the checkpoint)

They said, “Dapat po nagpaalam kayo sa amin na mag-la-live po kayo”

I explained, “Araw-araw po ako nag-l-live report sa iba’t ibang lugar, ngayon lang ako nakirinig na kailangan magpaalam sa pulis kapag magl-live. Bago po ba yang utos kasi lilinawin ko yan sa JTF-Covid Shield.”

“Hindi naman po sir, pero kailangan nyo po ng coordination kasi vinideohan nyo po kami.”

So, pinakita ko yung cellphone ko and I showed them na hindi ko sila vinideohan. Isa pa, ang selfie live ko ang background ay traffic, hindi sila. I felt bad kasi napagbintangan ako.

Ito ang argument ko, kunwari ordinary citizen lang ako at naglalalakad at nagvivideo, kunwari, vlogger, kailangan ko rin bang magpaalam sa kanila?

Sumagot yung isang pulis, baka kasi sir “kalaban ka.”

Doon nagpantig ang tenga ko.

Our conversation ended peacefully naman, I tried to understand them na lang since I respect our authorities.

I asked JTF-Covid shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar if there’s an existing directive as such. According to him ‘walang ganyang instruction, Mark’

IN CONTEXT: Quarantine pass is no longer required in GCQ areas. Permission to seek clearance from police to do live report is NEVER an option."


***