Former TV Host hindi natuwa sa inasal ng dalawang Doktor sa usaping "Tuob". Tinawag ang mga itong Isip Bata! - The Daily Sentry


Former TV Host hindi natuwa sa inasal ng dalawang Doktor sa usaping "Tuob". Tinawag ang mga itong Isip Bata!



Tuob or steam therapy | Jay Sonza Facebook Post | CTTO
Kamakailan nag viral sa social media ang #NoToDoctorShaming matapos maglabas si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng isang live stream video kung saan kanya diumanong pinagalitan ang dalawang doktor na pumuna sa pag-endorso ng probinsya sa tu-ob o 'steam therapy' upang maiwasan raw ang virus na COVID-19.

Madami sa mga netizens ang hindi natuwa sa inasal ni Governor Garcia, kaya naman inulan siya ng bashers at sinabing hindi dapat tinrato ang mga doktor ng ganoon.


Video screengrab via Gwendolyn Garcia / Photo credit to Facebook

Tuob or steam therapy | Photo credit to the owner
Ngunit kung marami ang nagalit at hindi sumang-ayon sa kanya, ay mayroon din naman naka-intindi at ipinagtanggol ang governor ng Cebu.

Ito ay walang iba kundi ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na naniniwalang isang mabisang alternatibong paraan na panggagamot ang Tuob.

Dahil dito, hindi diumano siya natuwa sa inasal ng dalawang doktor na hindi pabor sa 'steam therapy' at tinawag na isip-bata ang mga ito.

Narito ang buong post ni Sonza:


"Hindi nakakatuwa iyong inasal ng dalawang (2) isip batang duktor sa Cebu hinggil sa TUOB o SUOB.


Alternative medicine or medication has long been practiced and efficacy proven. Bago pa man maging duktor si Jose Rizal at lalo na kayong mga bagong manggagamot, subok na ang TUOB.

You may not agree with the Cebu Capitol's alternative campaign to combat the pandemic and criticize the program, but you have no business treating the people behind it unkindly.

If I were the chief executive of the province, I would have done the berating and shaming differently. But since you did the acts publicly on social media, I guess my friend Gwen was way within her decision to return the compliment publicly too.

BTW. We practice TUOB or SUOB in our household and community, as much we trust our internist and pulmonologist."




Screenshot of Mr. Jay Sonza's post | Credit to his Facebook page



Source: Jay Sonza