Larawan mula sa Facebook |
Isang food
delivery rider na naman ang naging biktima ng walang awang customer na nagpa-cancel
ng order na nagkakahalagang P800 dahil natagalan sa rider.
Ayon sa
isang post na binahagi ng Most Trending Viral Facebook page, hindi tinanggap ng
customer ang pina order nitong pagkain sa Chowking at hinagis pa umano sa pobreng
lalaki.
Dahil sa
pang hihinayang sa perang i-aabono niya, nagmakaawa pa umano si kuyang rider para
huwag ikansela ng customer ang kanyang order.
“Grabe! kawawa naman si
kuyang Food Panda Delivery rider, may umorder daw po sa kanya na worth 800
pesos na Chowking food tapos pagdating ni kuya sa location kinancel lang ng
costumer dahil natagalan daw sa pagdeliver hindi na tinanggap, nagmakaawa si
kuyang delivery rider dahil sayang daw yung perang pinang abono nya pero ayaw
talaga tanggapin ng costumer kaya itinapon na lang kay kuyang rider yung
pagkain, nag tyaga si kuyang rider sa pila, inabonohan, nakipagsapalaran sa
kalsada at sa virus tapos ganito lang sasapitin ni kuya hindi man lang naawa sa
tao pati pagkain inaksaya lang..
“Mary Paras daw name ng
nag order at nagtapon sa pagkain.. paki Share na lang po para mapanagot sa
batas ang gumagawa nito.” Ayon sa caption ng post
Larawan mula sa post ng Pilipinas Trending Viral |
Samantala, matapos mag
trending ang post na ito ay nagbigay ng paliwanag ang nasabing customer at siya
humingi ng paumanhin kay kuyang rider.*
"Good Eve sa lahat
nag nag comment sa Food Panda Hindi ko po intension na manloko ng Tao higit na
sa panahon Ito. Magcocomment nalang din po ako kasi nasasaktan na din ako sa
mga sinasabi ng mga Tao. Kaya po eh explain ko po Yung nangyari noong una nag
order ako pero nagloloading po at matagal yung net at data sa app, di ko po
namalayan na naorder na pala iyon at nadalawa na pala yung order ko, noong dumating
Ang inorder po namin may tumawag ulit di ko nalang pinansin dahil dumating na
Yung order.
“Kung may mali po ako
nanghihingi po ako ng pasensya sa Rider, kinontak ko na po siya at handa po
akong magbayad sa kanyang pinang abono at nagpapasalamat din po ako sa nagpost
po nito para mabigyang linaw ang lahat” ayon sa post ni May Paras