Larawan mula sa Facebook post ni Amber Lynn Gilles |
Isang barista ay nakatanggap ng higit sa $ 74,000 (higit sa
P3.6 milyon) mula sa mga tip matapos siyang ipahiya ng isang babae dahil sa
pagtanggi niyang pagsilbihan ito dahil hindi nakasuot ng face mask.
Si Amber Lynn Gilles ay nasa San Diego, California branch ng
Starbucks sa United States nang siya ay tanggihan ng lalaking barista na paglingkuran.
Sa kanyang galit, kinuhanan niya ng larawan ang barista at
ito ay kanyang ipinost sa social media noong Lunes, June 22.
“Meet lenen from Starbucks who refused to serve me cause I’m
not wearing a mask,” Ayon sa kanyang caption
“Next time I will wait for cops and bring a medical
exemption.” Dagdag pa ng customer na si Gilles.
Sa California, kailangan umanong magsuot ng face mask ang
mga residente, sa loob o labas man lalo na sa mga pagkakataon na hindi possible
ang social distancing.
Dahil sa kanyang post, umani si Gilles ng iba’t ibang batikos
mula sa mga netizens at siya ay pinuna din ng mga nakabasa nito dahil sumunod
lang naman sa patakaran ang lalaking barista.
Kasunod ng post ni Gilles, nag set-up naman ang isang Matt Cowan
isang pahina ng GoFundMe (Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen) upang
makalikom ng pera para sa barista na si Lenin Gutierrez.
Sa umpisa ay hangad lang ni Cowan na makalikom ng $1,000 ( o
P49,900) para kay Gutierrez, ngunit biglang dumagsa ang nagbigay ng tip at nalampasan pa ang naka set na
halaga. Pagsapit ng Hunyo 24, nakolekta ni Cowan ang $ 10,000 ( o katumbas ng P499,800)*
Matapos ang malikom ang nasabing halaga ay nakipag kita si Cowan
kay Gutierrez upang personal na ibigay ito sa kanya.
Kalaunan ay ipinahayag ni Gutierrez ang kanyang pasasalamat
sa mga donasyon sa pamamagitan ng isang video sa kanyang Facebook page.
“It’s so shocking to see something get so big that only
happened within a few minutes,” aniya pagkatapos pasalamatan ang mga sumuporta
sa kanya.
Ipinaliwanag din ni Gutierrez ang kanyang side sa naturang
pangyayari. Nang sabihin ni Gilles kay Gutierrez na hindi niya kailangan ng face
mask, ipapakita sana ng barista ang isang papel na nagsasaad na required ang
mga customer na magsuot ng mask.
Gayunpaman, bago maipaliwanag ni Gutierrez ang patakaran,
sinabi niya na sinimulan na ni Gilles ang pagmumura sa kanya at inulit na hindi
niya kailangan ng face mask.
Kalaunan ay umalis daw si Gilles at bumalik matapos ang
ilang minute para kunin ang kanyang pangalan at siya ay kuhanan ng litrato.
“I thought that was going to be the end of it,” ayon kay Gutierrez
“I didn’t know it was going to come to this.”
Nabanggit din ni Gutierrez na bago ang pandemya ng COVID-19,
siya ay nag tatrabaho bilang dance teacher sa mga bata. Plano niyang gamitin
ang pera para makapag focus sa pagsasayaw.