Anak ng OFW, humingi ng tulong matapos makita ang mga magulang na nangangalkal nalang ng basura sa Saudi - The Daily Sentry


Anak ng OFW, humingi ng tulong matapos makita ang mga magulang na nangangalkal nalang ng basura sa Saudi



Mga larawan mula sa post ni Keyzelle 

Mas pinili nilang iwanan ang mga mahal sa buhay at ang bayan upang makikipagsapalaran sa ibang bansa bitbit lamang ang tibay ng loob at mga pangarap na makaahon sa hirap ang naiwanang pamilya, ngunit sila man ay 'di nakaligtas sa hagupit na kahirapan dala ng matinding krisis na kinakaharap ngayon ng buong mundo. 


Naging laman ng balita at ng social media kamakailan ang naging mahirap na sitwasyon ng ating mga kababayang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan nangangalkal nalang sila ng mga pwede pang makakain sa mga basurahan upang mairaos lamang ang pagkain sa araw-araw.

Mga larawan mula sa post ni Keyzelle 

Laking gulat at lungkot naman ang naramdaman ni Keyzelle Collado Quitola, ang anak ng isa sa mga grupo ng mga skilled workers na nawalan ng trabaho sa Riyadh ng makita niya ang paghihirap ng kanyang ama na namumulot nalang ng mga tapon na gulay at prutas para may makakain.

Hindi sukat akalain ni Keyzelle ang nakita niya dahil sa tuwing kausap naman daw nila ang kanilang mga magulang na kapwa OFW ay wala naman itong nabanggit kanila at hindi rin daw bakas sa kanilang mga mukha na may dinadala na pala itong matinding problema.

"Naluha ako nung nakita ko yang post na yan ,dahil alam ko si papa ko yan. Nakakadurog ng puso makita kong papa ko na ganyan,"

"Kapag kausap nya kami parang wala syang problema ,sa iba ko pa makita ang sitwasyon nila ni mama ko,"


Kinumpirma din ito mismo ng ama ni Keyzelle nang makausap na nila ito sa chat na sila nga yung nakita sa video. Hiniling rin ng ama niya sa kanila na mag-aral sila ng mabuti para sa kapakanan nila upang hindi habambuhay magbabasura sila sa ibang bansa.

Mga larawan mula sa post ni Keyzelle 


Ayon naman sa kumakalat na video na kuha nina Reymond Zaragosa at Donald De Las Alas, kapag may napupulot silang gamit na pwede pang mapapakinabangan ay kinukuha na nila umano ito. Halos apat na buwan na din umano silang hindi na sumasahod.

Ayon din sa kanilang Ina, wala silang mahingan ng tulong sa naging sitwasyon nila doon, hindi kagaya pag nasa sariling bansa ka lang ay pupwede ka lang manghiram ng bigas at asin pangkain, kaya sa tatlong buwan nilang walang natatanggap na sahod ay ang pamumulot ng basura ang kanilang ikinabubuhay.

Mga larawan mula sa post ni Keyzelle 


Narito ang buong post ni Keyzelle:

Naluha ako nung nakita ko yang post na yan ,dahil alam ko si papa ko yan. Nakakadurog ng puso makita kong papa ko na ganyan ,kapag kausap nya kami parang wala syang problema ,sa iba ko pa makita ang sitwasyon nila ni mama ko, 



Naawa ako dahil ganyan sila nung lockdown Sa saudi ng 24hrs curfew,,3months walang sahod ,wala din silang makuhang ayuda galing sa Polo-owwa ,😭 Si papa ko po yung nakablack na nakahawak ng melon ,😭😭Confirm po na sya yun ,

Hinihiling ko nalang sa panginoon na bigyan pa kayo ni lord ng lakas para sa ganun makaraos na tayo 📍😭 awang awan po ako sa papa at mama ko 😭😭

Sana po polo-owwa Mapansin nyo po mga Ofw sa Riyadh saudi al rawabi exit 14 po sila salamat po

***

Source:  Keyzelle Collado Quitola

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!