ALAMIN: 'Sim-swap' modus na kumukuha ng online bank account details ng biktima - The Daily Sentry


ALAMIN: 'Sim-swap' modus na kumukuha ng online bank account details ng biktima




Kuha mula sa video ng NXT ABS CBN

Sa tindi ng pinagdadaanan natin ngayon dahil sa pandemyang COVID 19, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, hirap sa makahanap ng ipangtutustos sa pamilya at iba pa.

Dahil sa krisis na ating pinagdadaanan, marami sa ating mga kababayan ang nagiging desperado na sa buhay. Kaya naman naglipana ang mga budul-budol o mga scammer na tinatawagupang makapang linlang ng kapwa kumita lang ng pera kahit sa masamang paraan.


Isa na rito ang kwento ng isang telco user, na nabiktima ng isang umano ay representante ng isang telecom company na nag-alok sa kanya na i-upgrade ang kaniyang sim, at kalauna’y nanakawan ng P100,000 ang kaniyang bank account matapos makuha ang kaniyang account details sa bangko.

Sa ulat ng TV Patrol, Isinalaysay ng netizen na si alyas "Cassie" noong Hunyo 12 nang makatanggap siya ng bisita sa kaniyang condominium unit bandang ala-sais ng gabi sa Quezon City.

Nagpakilala ang bisita na isang maintenance staff umano ng Globe Telecoms at nag-aalok ng kanilang bagong produkto na 5G sim card sa kanya.

Dahil sa maganda ang offer ng umanong Globe representative sa kanya, hindi nagdalawang isip pa si Cassie dahil noong araw na iyon ay ilang beses ng naputol ang kaniyang Internet, na pino-provide din ng naturang telecom company.

“By the way, kaya kami nag-iikot ngayon kase to test out wtong bagong launch namin na sim card, tapos since registered po kayo sa app namin, priviledged po kayo nai-try out ko daw,” salaysay ni Cassie base sa paliwanag sa kanya ng Globe rep.

Ani pa ni Cassie, nakauniporme rin umano ng Globe rep at may nakakabit pang nameplate ang lumapit sa kaniyang staff.


Kailangan lang umano ni Cassie na ibigay ang kaniyang sim para asikasuhin ng staff ang pag-upgrade. Agad naman itong ibinigay ni Cassie sa Globe rep at saka umalis tangay ang kanyang old sim.

"Ang guards hindi po sila nagdududa. So [pagkakuha ko ng sim] sabi niya ite-test out [Kaya ang sagot ko] 'ah okay 'yung number ko ba hindi mapapalitan?' Tapos sabi niya 'Ma'am hindi. [I-a-upgrade] lang po ['yong sim] yan parang trial po yan kapag binigay niyo po yung sim maa-activate namin,” kwento pa ni Cassie sa programang "Lingkod Kapamilya" ng Teleradyo.

Ibinigay ng suspek kay Cassie ang bagong sim at kinuha ang kanyang lumang sim at tsaka umalis. Ngunit makalipas nang 15 hanggang 30 minuto hindi na siya binalikan ng suspek.

Nagtaka si Cassir dahil makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin gumagana ang bagong sim. Dito na kinabahan ang dalaga, kaya tumawag siya sa number na ibinigay ng suspek at kanyang sinabi na hindi pa rin ito activated.

Agad naming sinagot sa kanya ng suspek na, “ Ma’am malapit na, eto na, inaayos na naming.”

Makalipas lang ng ilang minuto, ay nakatanggap ng mga e-mail ang biktima na may sumusubok umanong buksan ang kaniyang mga bank account kaya dali-dali siyang tumawag sa kaniyang bank provider.

Ngunit, sa sobrang tagal umano sumagot ng bangko, naisakatuparan na ang transaksyon ng scammer para ilipat ang bank details sa isang online payment channel. Umaabot sa P100,000 ang na-withdraw bank account  ng suspek kay Cassie.

"Kasi sa Yahoo! po mayroon kayong option to sign in using a password or sign in using an account key… It’s either phone number or an alternate email magse-send po sila ng verification code. So naa-access ko pa and Xiaomi yung device so alam ko na hindi naman akin to wala naman akong ganyang phone so yes naa-access niya,” saad ni Cassie.

Ayon naman kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, ito ang tinatawag na "sim-swap" modus.

"[Dito] online lang nade-deactivate yung sim mo tapos nadi-divert nila to another sim yung account details mo sa telepono," ani Lorenzo.

Labis itong na ikinabahala ng mga awtoridad, lalo’t maaaring natunugan ng mga scammer ang mga hakbang ng mga bangko sa pagprotekta ng mga detalye ng kanilang mga user.

Sa pag-gamit ng mga online banking transaction, kinakailangan munang ilagay ang tinatawag na "one-time pin o OTP" na nakukuha sa pamamagitan ng text message, bago maikasa ang babayaran.

Nakasaad din sa mga email ang detalye tungkol sa transaksyon kaya nalaman ng telecom user na si Cassie na nakuhanan na pala siya ng pera.


Paliwanag pa ni Lorenzo, dapat mas higpitan pa ng mga bangko ang pagprotekta sa mga detalye ng kanilang mga account holder.

"Kung mayroong bagong modus, direct responsibility ng bangko yan to warn the public. Hindi naman natin alam na nag-e-evolve ang mga modus pero sila immediately nakikita nila kasi may mga reporting mechanism sila. Sinasabi namin sa bangko yung pattern na nagkakaroon ng sunod-sunod na withdrawal dapat nag-trigger ng alert sa kanila 'yan," ani Lorenzo.

Nais makipag-ugnayan ang NBI kay Cassie at sa iab pang mga nabiktima para maimbestigahan ang insidente.

Ayon naman sa Philippine National Police, kung dati ay sa paraang vishing (voice or VoIP phishing) at identity theft ito ginagawa, ngayon humaharap na mismo sa biktima ang mga suspek, tulad ng sa kaso ni Cassie.

"First time ito sa amin, dahil dati, ginagawa ito ay through vishing kung saan tinatawagan po ang ating victim through telephone para makuha ang kanyang details," paliwanag ni Police Lt. Janice Natial, assistant spokesperson ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Dagdag pa ni Lt. Natial, ang kadalasang ginagawa ng suspek ay tatawag sa service provider at magpapanggap na siya ang biktima para sabihing nawawala ang kaniyang sim card.

"Sasabihin niya na nawala niya ang simcard niya at papa-deactivate na lang magpapa-issue ng ibang sim card pero the same number ni victim. Since na sa kanya na ang open na sim, yung mga one-time pin makukuha niya," ani Lt. Natial.

Samantala, una nang nagpaalala ang Globe Telecom na maging alisto kontra sa mga masasamang loob na gumagawa ng nasabing modus.


"Globe will never ask you for personal information or to surrender your SIM. This may lead to unauthorized access to services linked to your mobile number. These may include verification or security protocols for bank accounts, money transfers and other related transactions," ani ng Globe sa kanilang Facebook page noong nakaraang linggo.