Brian Tabuzo | Larawan mula sa post ni Brian |
Yan lang trabaho mo? Di ba nakapagcollege ka?
Ganitong mga tanong ang minsan ay hindi maiiwasang nakakasakit at nakakababa ng moral ng tao lalo na pag ganoon nalang kaliit ang tingin ng mga taong nakapaligid sayo.
Sa panahong ito, mas lalo nating bigyan ng pagpapahalaga at pasasalamat ang ating mga frontliners kasama na dito ang mga masisipag na mga delivery riders na patuloy parin ang pagbibigay serbisyo at pagbabanat ng buto para sa atin kahit paman sa banta sa kanilang kalusugan.
Ngunit kahit pa man sa sobrang laki ng tulong nila, lalo na ngayon na limitado ang lahat ng pagalaw at paglabas ng mga tao ay meron pa ring hindi naappreciate ang marangal nilang trabaho, sila bilang mga delivery riders na ang gumagawa ng trabaho at paraan maihatid lang ang inyong mga pangangailangan
Delivery rider | Larawan mula sa ABS-CBN |
"Oh pre! Naggagrab kana lang pala? Diba college level ka naman? Bat jan ka bumagsak? Bata kapa diba? Dami pang trabaho mas better jan." ito ang tanong sa kanya.
Ayon pa kay Brian, hindi naman ganoon kasimple at kadali ang kanilang trabaho, pero dahil sa masaya sila dito at mahal nila ang ginagawa nila, ay hindi nila ito ikinakahiya basta alam nila na wala silang natatapakan at nalalamangan na ibang tao.
"Anjan ang risk ng aksidente, mga fakebookings, scams. Pero masaya kami at mahal namin to," saad ni Brian
"Oo bente anyos pa lang ako, daming mas magandang trabaho jan, pero pinili ko to dahil masaya ko dito ang mahalaga di kami nanlalamang ng ibang tao," dagdag niya.
Hindi naman daw sila nanghihingi at nagdedemand ng appreciation sa ibang tao basta ang importante para sa kanila ay nagtatrabaho sila ng marangal at kumikita sa maayos at malinis na pamamamaraan.
"Gawin na lang nating motibasyon ang kritisismo ng ibang tao satin, aangat din tayo," saad niya.
"Kaya salamat sa mga taong kayang umunawa at tumangkilik sa ginagawa namin,"
Ang naturang post ni Brian ay umani ng mga paghanga at suporta mula sa mga netizen:
Salute to all grab riders! Kuya ko ay grab driver at papa ko ay company driver at proud ako sa kanila! - Chielo Marie Sablay
I have so much respect for you guys. Salamat sa inyo kuya kasi natutulungan ninyo kami especially this time. Nakaka proud at pinipili mong mag banat ng buto sa marangal na paraan, kaysa yung iba na sa maruming paraan or yung umaasa lang sa iba. More power to you! - Gayle Fortes
Hayaan mo sya. Baka naiinggit. For me, I salute you and all the Grab drivers. Dahil in your own way napapasaya nyo ang mga tao. Dahil kapag may naisip ako or mga anak ko na kainin na pagkain sa Grab food ako agad tumitingin at umoorder. That’s why I am grateful and I’m sure madami pang ibang grateful sa inyo. So hayaan mo yang school mate mo. Di nya alam pinagsasabi nya. As long as happy ka at nageenjoy ka sa ginagawa mo and at the same time kumikita, then you are living your best life. 💪🏼 #winning - Mitzi Valentin
Brian Tabuzo | Larawan mula sa post ni Brian |
Narito ang kanyang buong karanasan:
"Oh pre! Naggagrab kana lang pala? Diba college level ka naman? Bat jan ka bumagsak? Bata kapa diba? Dami pang trabaho mas better jan." - highschool mate said.
Honestly "HAHAHAHAHHA wala lang" yan na lang ang naisagot ko, ganyan pala kababa ang tingin nyo saming mga food/parcel delivery riders.
Oo bente anyos pa lang ako, daming mas magandang trabaho jan, pero pinili ko to dahil masaya ko dito ang mahalaga di kami nanlalamang ng ibang tao.
Di rin naman ganun kadali ang ginagawa namin. Anjan ang risk ng aksidente, mga fakebookings, scams. Pero masaya kami at mahal namin to hahahaha.
Di naman namin hinihingi ang pag galang at appreciation nyo, ang importante sa malinis na paraan namin kinukuha ang perang pinanggagastos. Kaya salamat sa mga taong kayang umunawa at tumangkilik sa ginagawa namin, wag na lang pansinin yung mga ganung klaseng tao.
Sa lahat ng riders jan. �Ride safe sa ating lahat ❤
Ps: Di ko alam kung nagpapakasarcastic ka lang, di naman tayo close limot ko na nga din pangalan mo eh haha pero bigla kang kumana ng ganun HAHHAHA 😂
Gawin na lang nating motibasyon ang kritisismo ng ibang tao satin, aangat din tayo ❤
#Paaweeeer! ☝
#YourGrabMan #Grab #Foodpanda #Angkas #Joyride #Lalamove #Moveit #SaluteToAllDeliveryFrontliners
***
Source: Brian Tabuzo
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!