'Wag natin silang kalimutan! Netizen pinuri ang sakripisyo ng mga magigiting na garbage collectors - The Daily Sentry


'Wag natin silang kalimutan! Netizen pinuri ang sakripisyo ng mga magigiting na garbage collectors



Habang hinaharap ng ating bansa ang pagsubok na dala ng C0VID-I9 na patuloy ang paglaganap,  tuloy-tuloy din ang serbisyo ng ating mga magigiting na frontliners. Sila ang tinatawag na mga bagong bayani -- ang ating mga butihing mga doktor, nurses, health workers, officials, at volunteers.

Ngunit, sa gitna ng banta ng sakit na ito, isang sektor na nagsasakripisyo din para panatilihing malinis ang ating kapaligiran ang madalas nating nakakalimutan. Sila ang ating mga Garbage Collectors.

Isang pagkilala 




Photo credits: Mumsy Tere, Facebook

Photo by Jay Castro Ocampo

Sa post ni netizen Jay Castro Ocampo, ibinida niya at binigyan ng pagkilala ang serbisyong ginagawa ng ating masipag at magigiting na Garbage Collectors.

"Habang ang iba ay natatakot at ayaw lumabas at baka daw tamaan ng virus. Sila naman ay tuloy ang buhay, walang takot at buong tapang na tinataya ang kanilang mga sarili para sa ating kalinisan," pahayag ni Jay.

Hindi alintana ang pagod at banta ng kalusugan, walang takot nilang tinutupad ang kanilang tungkulin para mayroon silang ipakain at ipangtustos sa kanilang mga pamilya.

"Saludo ako sa ating mga SILENT HEROES. Salamat po sa tapang at sipag nyo," dagdag pa niya.


Gamit ang hashtag na #BasuHEROES, ang post na ito ay umabot na sa 43,000+ shares sa Facebook.

Mabuhay ang lahat ng ating mga magigiting na frontliners! Mabuhay ang ating mga garbage collectors!






Source: Jay Castro Ocampo | Facebook