Vendor at Construction Worker, ibinida kung bakit hindi sila magugutom kahit may krisis - The Daily Sentry


Vendor at Construction Worker, ibinida kung bakit hindi sila magugutom kahit may krisis



Isa sa hakbang na ginagawa ng gobyerno upang malabanan ang banta at hirap na dulot ng C0VID-19 ay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine at total lockdown sa buong Luzon at ilang probinsya sa ating bansa.

Dahil dito, mabilis na nagkakaubusan ang ibang mahahalagang produkto tulad ng pagkain, mga gamit pangkalinisan at pangangailangang pangkalusugan.



Puno man ng takot at hirap ang marami sa mga Pilipino ngayon, binigyang pag-asa at inspirasyon ang ilan nating kababayan ng isang trending post mula kay netizen Neriedel Corod, matapos niyang ibahagi kung paano sila naging handa sa panahon ng krisis, lalo na sa kinakaharap ng lahat na banta ng C0VID-19.

Ayon kay Corod, isa siyang street vendor at ang asawa naman niya ay isang construction worker.

"Hindi nla alam pano ko tiniis ang mga sale ng mall, makaipon lang.. Kung pano ako mgtinda sa kalagitnaan ng araw, hindi nila alam kung gaano kahirap gumising ng 3am araw-araw makapagtinda lang.. [Na] kakalungkot kasi ang baba ng tingin nla samin," ani ni Neriedel Corod.

Ipinakita din niya sa kanyang Facebook post ang ilang litrato ng kanilang nag-uumapaw na stock ng basic commodities na pinuri ng mga nakakita sa kanyang post.
Photo Credits: Neriedel Solitreno Corod | Facebook




Ayon kay Codor, hindi nya layunin ang mang-inggit o mag yabang. Ang nais lamang niya ay i-inspire ang kapwa niya Pilipino na kahit sila ay street vendor at construction worker lamang, may kakayahan ang bawat isa na makapag-ipon lalo na kung ginagamit natin ng wasto ang pera na nahahawakan natin dahil napakalaking tulong nito lalo na sa panahon ng sakuna at emergency.

Kaya nga, laking pasasalamat ni Codor na kahit may krisis ay hindi siya at ang kanyang pamilya maghihirap sa kawalan ng food supplies dahil nakapag-ipon sila ng maraming stock bago pa man ipatupad ang lockdown.

Nawa'y magsilbi ngang inspirasyon ang ibinahagi ni Codor sa ating mga kababayan ukol sa importansya ng pagtitipid at pag-iipon, maliit man o malaki ang perang ating napagtrabahuhan.

Ika nga ni Neriedel, "ipon muna bago luho!"






Source: Neriedel Solitreno Corod | Facebook