Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video - The Daily Sentry


Pangungurakot sa pondo para sa C0VID-19 assistance, nakunan sa video




Katiwalian sa gitna ng krisis? Kayo na ang bahalang humusga. 

Huli sa video ang babaeng tila isang opisyal mula sa DSWD na pinapaliwanag kung paano makukuha ang tulong ng gobyerno sa gitna ng krisis dulot ng C0VID-19.


Sa video, P6,500.00 lang ang nabanggit ng babae na matatanggap na tulong, salungat sa P8,000.00 na sinabi ng gobyerno.

Base sa nakunan, gumawa ang babae ng tatlong grupo na may tatlong katao kada isa. Isang tao lang sa tatlong grupo ang maglalagay ng pangalan sa form ayon sa instruction ng babaeng nasa video.

Paliwanag ng ginang, P1,000.00+ doon ay worth of grocery at ang P4,000.00+ naman daw ay cash.

Ayon pa sa kanya, syam na tao ang maghahati-hati sa P4,000.00+ na cash.

Nang magtanong ang isa sa mga makakatanggap na "sa syam na yun?", sinagot lang sya ng "gusto nyo po meron o wala?"

Maririnig ang nagvi-video na sinabi pa mismo sa ginang na "kasi ang inaano (inaasahan) ng tao yung napapanuod nila sa TV na lahat meron 'di ba so 'yun ang inaasahan ng tao. At least sa bibig nyo na nangggaling na hindi totoo 'yung inano (sinabi) ni Digong."

Hindi nagkomento ang babae sa naturang pahayag.

READ: Nurse, pinangaralan ang mga artistang nagpahayag ng galit sa pamahalaan

READ: Doktor, pinasakay ang lolo na naglakad pa mula Pampanga papuntang Quezon City

Panuorin ang video:



READ: Doktor, pinasakay ang lolo na naglakad pa mula Pampanga papuntang Quezon City

READ: Nurse, pinangaralan ang mga artistang nagpahayag ng galit sa pamahalaan