Nurse namimigay ng relief goods sa mga homeless people na nadadaanan niya pauwi - The Daily Sentry


Nurse namimigay ng relief goods sa mga homeless people na nadadaanan niya pauwi



Humanity does really exist. A simple gesture can define it.
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

Ito ang sinabi ng netizen na si Hafiz Marohombsar matapos niyang masaksihan ang kabutihang loob ng kanyang katrabahong nurse.

Kwento ni Hafiz, pagkatapos ng kanilang trabaho ay niyaya siya ng kanyang kaibigang nurse na maglakad na lamang pauwi dahil hindi nila naabutan ang free shuttle at isang oras pa bago dumating ang susunod na service.

Aniya, bumili raw ang kanyang kaibigan ng pagkain at tubig sa 7/11 upang ibigay nila sa mga taong natutulog sa kalye na kanilang madadaanan.
 Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

Nag-alok rin umano si Hafiz sa kaibigan na maghati sila sa ginastos ngunit tinanggihan siya nito.

I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain,” sabi nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 11k reactions at 5.3k shares ang post ni Hafiz.

Narito ang buong post:

“Humanity does really exist. A simple gesture can define it. ❤️

I just got home from a long walk with my colleague after our 3pm-11pm shift. Since our free shuttle left early and it would take about an hour before the next trip, my workmate convinced me to walk instead as she did it already for several times alone and was planning something a good idea.
Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

So, she brought me to 7/11 first to buy some goods for the homeless people. Sabi niya sakin, ibibigay daw namin sa bawat taong madadaanan namin na natutulog sa kalsada. If magkulang daw, may 7/11 pa naman sa next street to buy additional food—which it really happened.

While we were buying food, sabi niya na sana di sila tinaboy ng mga officers since quarantîned ang people. So, ayun na nga. Inisa-isa namin bigyan ang mga homeless people na nadadaanan namin until sa makarating kami sa kanto ng place niya. Nakabili pa kami ng additional food kasi nagkulang.
 Photo credit to Hafiz Marohombsar 
Photo credit to Hafiz Marohombsar 

I offered to pay half of the price but she refused, okay na daw na kasama niya ako namigay. She was even thankful kasi andun ako para tulungan siya magkarga ng mga pagkain.

According to her, sa pangatlong beses niyang naglakad pauwi, she noticed na maraming natutulog sa kalsada especially matatanda. Pano daw sila sa panahong ito? Pano sila nakakakain? Does someone even care about them during this crisîs?

God bless her! 💉❤️


***