Tila sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ilan ang naging pahayag ng netizen hinggil sa ayuda na ipinapamahagi ng pamahalaan.
Habang humaharap sa krisis ang bansa dala ng C0VID-19, ang mga pinaka mahihirap na pinoy ang prayoridad ng gobyerno na mabigyan ng tulong sa ngayon.
Kaugnay nito, ibinahagi ng netizen ang kanyang saloobin bilang parte ng middle class o ang mga taong hindi kasama sa mga makakatanggap ng Social Amelioration Fund at iba pang mga ayuda ng gobyerno.
Ayon sa netizen na may Twitter handle na @QMotherGothel, mahirap maging middle class. Sa kanyang Twitter thread, pinaliwanag nya kung bakit nya nasabi ito.
Narito ang kanyang sentimiento:
Masyado nang romanticized ang pagiging mahirap. Alam nyo kung ano totoong mahirap ngayon?TAYONG MIDDLE CLASS. TAYONG PARTE NG WORKFORCE. Tayong nagtatrabaho at totoong may ambag sa ekonomiya galing sa buwis na kinakaltas sa atin buwan buwan
Tayong may mga pangarap sa buhay kaya nagsisikap makapundar. Tayong aalis ng madilim pa sa umaga para makipagsiksikan sa commute at uuwi ring madilim na dahil sa traffic. Tayo na hindi nag-aanak ng marami at nagfafamily planning kasi responsable tayo. Tayo ang tunay na mahirap.
Alam mo kung bakit? Kasi tayong mga manggagawa ang nagpapaandar ng ekonomiya. Pero kapag ganitong krisis tayo pa ang napagkakaitan pa ng tulong, kesyo nakatira sa subdivision, kesyo “may laman ang ref”, kesyo merong mas may nangangailangan. Merong mas gutom. Merong mas mahirap.
Mahirap maging middle-class o parte ng workforce. Ipit ka sa gitna. Ang mayayaman may tax break, ang mahihirap may ayuda sa gobyerno. Tayong middle class wala. Pero hindi tayo magrereklamo kasi naiintindihan natin. Hindi tayo pabigat. Ayaw natin maging pabigat.
Kaya ngayon, kung tatawagin nyo pa kaming “privileged” dahil lang may laman pa ang mga ref namin, isang malutong na PUTANG INA NINYO. May pinag-aralan kami pero kaya naming lumaban. Hindi kami nagpapaapi. Hindi namin kasalanan kung may mga ipon kami at may laman pa ang ref namin.
Tigilan ang middle-class shaming. Tigilan ang pangsasawalang bahala sa mga manggagawa. Kami ang pinakaapektado ng lockdown pero gumagawa kami ng paraan para makaraos sa krisis na ‘to. BUONG BUHAY NAMIN gumagawa kami ng paraan.
Kami ang tunay na mahirap, pero alam mo pinagkaiba namin sa inyo? Hindi kami pabigat.
HINDI. KAMI. PABIGAT.