Magsasaka, inani ang pananim na kalabasa para ipamahagi sa mga kababayan - The Daily Sentry


Magsasaka, inani ang pananim na kalabasa para ipamahagi sa mga kababayan



Larawan mula sa Tacurong Tambayan
Dahil sa umiiral ngayon na COVID-19 sa Pilipinas, halos lahat ng tao ay walang trabaho at mapagkunan ng pagkain kung kaya naman hindi na malaman ng iba kung saan hahagilap ng makakain sa pang araw-araw. 

Kung kaya naman halos lahat ay kapos sa pera at pagkain, ngunit tila hulog ng langit naman sa mga mamamayan ang mga taong may busilak ang puso at handang tumulong sa  mga taong nasa mababang antas ng buhay.

Katulad na lamang ng isang magsasaka sa Barangay Baras, Tacurong City, Mindanao na kahit hirap din sa buhay ay nagawa pa rin niyang mamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng lockdown.
Larawan mula sa Tacurong Tambayan
Sa pamamagitan ng pag-ani ni Mang Victor Agpalsa sa kanyang mga pananim na kalabasa ay malaking tulong na ito para sa mga residente ng Tacurong na mabibigyan niya ng munting tulong.
Larawan mula sa Tacurong Tambayan
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Manong Victor ang tambak-tambak na bagong pitas at sariwa na bunga ng kalabasa upang ipamahagi sa mga tao.


Marami ang humanga sa ginawang kabutihang loob ni Manong Victor at umani ang kanyang post ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen.
Larawan mula sa Tacurong Tambayan


Ang ginawang kabutihan ni Manong Victor ay patunay lamang na na hindi pa rin nawawala sa mga Pinoy ang diwa ng bayanihan lalo na sa panahon na madaming nangangailangan ng tulong.

****