Mag-ina, naglibot mula Pulilan hanggang Plaridel para maghatid ng pagkain sa mga aso't pusa - The Daily Sentry


Mag-ina, naglibot mula Pulilan hanggang Plaridel para maghatid ng pagkain sa mga aso't pusa



Larawan mula kay Jhec Victoria
Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa ibat-ibang sulok ng bansa dulot ng COVID-19, halos lahat ay walang trabaho at mapagkukunan ng makakain kung kaya naman karamihan na lamang sa mga ito ay nag-aantay ng ayuda mula sa gobyerno.

Dahil sa epekto nito, marami ang nagugutom na

tao kabilang na rin ang mga aso at pusa sa mga kalye na umaasa lamang sa mga pagkain sa basurahan o nag-aantay ng ibibigay sa kanila ng mga taong dumaraan.

Kung kaya naman sa panahon ngayon ay bihira na lamang ang nakakaalala sa mga aso at pusang nagugutom sa daan para mabigyan sila ng makakain.
Larawan mula kay Jhec Victoria
Dahil dito, labis-labis ang paghanga ng mga netizen sa ginawa ng dalawang mag-ina kung saan ay nagsakripisyo ang mga ito upang mabigyan ang ng makakain ang mga aso at pusa sa kalye.
Larawan mula kay Jhec Victoria
Ayon sa post ng Facebook page na 'Born to Be Wild', matiyagang naglibot si Jhec Victoria at kanyang ina mula Pulilan hanggang Plaridel Bulacan para maghatid ng pagkain at inumin sa mga aso at pusa.

Kwento ni Jhec, abot-abot na sita, saway at banta ang kanilang inabot noong araw na naglilibot sila upang mamahagi ng pagkain sa mga aso't pusang kulakalam ang sikmura, ngunit hindi sila nagpatinag dito at itinuloy pa rin ang mabuting hangarin.
Larawan mula kay Jhec Victoria
Ayon pa dito, mayroon pang iba umano na naiinggit sa kanila at pinipersonal dahil nakakalabas sila sa kabila ng ipinapatupad na quarantine.
Larawan mula kay Jhec Victoria
Tiniis ng mag-ina ang kanilang hirap na pinagdaanan kahit na tila humahapdi na ang kanilang mga paa para mahatiran at mabigyan ng pagkain ang mga gutom na aso at pusa.

"Abot-abot na sita, saway, banta ang inabot namin ngayon araw pero di nito mapipigil ang aming gustuhing makatulong lalo na at pinepersonal kami wag kayo mainggit kung bakit kami nakakalabas kasi di naman kami nagpapasarap sa gitna ng mainit na

kalsada na parang nagba'baga na ang aming mga paa may mga buhay ang dahilan kung bakit kami gumaganito na sana ay maunawaan nyo." ayon sa post ni Jhec Victoria.

****