Larawan mula kay Maine Chu |
Sa hirap ng problema na kinakaharap ngayon ng bawat mamamayan sa bansa dahil sa umiiral na COVID-19 ay isa sa pinaka-mahalagang gawin ng bawat Pilipino ay palawakin ang kabutihang loob sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Dahil sa pandemic na nararanasan ngayon sa buong isla ng Pilipinas, marami ang apektado dito dahil karamihan sa ating mga kababayan lalo na ang mga nasa mababang istado ng buhay ay hindi alam kung saan hahagilap ng makakain para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Gayunpaman, hindi naman nawawala sa ugali ng mga Pilipino ang pagiging matulungin lalo na sa ganitong hirap na sitwasyon sa bansa.
Dahil dito, viral sa social media ang post ng isang netizen kung saan ay ibinagi nito ang kabutihang loob na ginawa nila ng kanyang asawa upang makatulong sa kapwa.
Sa Facebook post ng isang netizen na si Maine Chu, sinabi nito na tila hindi nila masikmura ng kanyang butihing asawa na singilin ng renta ang mga nangungupahan sa kanila dahil nga sa hirap ng buhay ngayon.
Larawan mula kay Maine Chu |
Kwento ni Maine, libre na muna ang pangungupahan ng tatlong bahay na pinauupahan nito mula March 14 hanggang April 15, o depende kung hanggang kailan aabot ang lockdown sa bansa.
"Sa panahon ngaun nakakakunsensya maningil ng rental ng paupahan kaya napagdesisyunan namin mag asawa last march 14 na free rental (P19,500/month) from march 14 to april 15) door 1, door 2 and door 3) saka na ulet kapag pare parehas na lahat makaahon depende sa pagkawala ng lockdown." ayon sa post ni Maine.
Larawan mula kay Maine Chu |
Ayon pa kay Maine, naiyak umano sa saya ang mga nangungupahan sa kanilang unit noong araw na kinausap nila ang mga ito tungkol sa hindi muna pagsingil sa kanila ng renta.
Pagbabahagi ni Maine, hirap man sa kanilang mag-asawa ang desisyon na ito, mas kailangan raw umano ng bawat-isa saatin ngayon ang pag-uunawaan at pag-tutulungan sa panahong ito.
Hiling naman ni Maine na sana ay maging magandang halimbawa sila sa lahat ng tao na tumulong sa abot ng kanilang makakaya lalo na sa panahong gipit ang bawat-isa.
Basahin ang buong post ni Maine sa ibaba:
"Sa panahon ngaun nakakakunsensya maningil ng rental ng paupahan kaya napagdesisyunan namin mag asawa last march 14 na free rental (P19,500/month) from march 14 to april 15) door 1, door 2 and door 3) saka na ulet kapag pare parehas na lahat makaahon depende sa pagkawala ng lockdown.
Larawan mula kay Maine Chu |
"Sobrang naiyak cla sa tuwa nong kinausap namin sila isa isa by doors. Mahirap man sa aming mag asawa ang decision na ito dhil hinde cia on board pero kelangan talaga ang pang unawa sa kanila sa panahon ngayon.
"Sana maging inspirasyon ito sa ibang nagpapaupa.
Ang ginawa ni Maine at ng kanyang asawa ay patunay lamang na hindi pa rin nawawala sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.
Ang ginawa ni Maine at ng kanyang asawa ay patunay lamang na hindi pa rin nawawala sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.
****
Source: Maine Chu / Facebook