Kuya na tindero ng meryenda, isinauli sa may-ari ang napulot na pitaka - The Daily Sentry


Kuya na tindero ng meryenda, isinauli sa may-ari ang napulot na pitaka



Larawan mula kay Angelika dela Cruz

Viral sa social media ang ginawa ng isang matandang vendor na si Jojo Tiamzon kung saan ay isinauli niya sa may-ari ang napulot nitong pitaka na naglalaman ng pera.

Ayon sa post ng Facebook fan page na Angelika dela Cruz, si Mang Jojo ay tindero ng donut, ice cream at iba pang maaaring gawing meryenda ng mga tao.

Ayon sa pagbabahagi ng Facebook page, habang nagtitinda si Mang Jojo ng meryenda ay napulot niya ang isang pitaka na may lamang P10,000 at ilang ID's ng may-ari.

Dahil dito ay hindi nagdalawang-isip si Mang Jojo na puntahan ang pinaka-malapit na barangay upang iturn-over ang kanyang napulot na pitaka.
Larawan mula kay Angelika dela Cruz
Dahil sa agarang pagturn-over ni Mang Jojo sa napulot nitong pitaka ay agad na na-contact ang taong nagmamay-ari na pitaka na si Jose Pacho.

Laking tuwa at pasasalamat ni Jose kay Manong Jojo dahil hindi nito pinag-interesang gastusin ang kanyang pera.

Ayon sa isang netizen na nakakakilala kay Mang Jojo, sadyang mabait at masipag daw umano Mang Jojo kung kaya naman sana ay kung sino man ang makakita sa kanya ay sana maabutan siya kahit magkano dahil malaking tulong na umano ito para sa matanda.

“Grabeng sipag ‘yan ni tatay. Ice cream, donut, atbp, kahit ano tinitinda niyan ni tatay. Sana pag nakita ninyo siya kahit bumili na lng kayo. Parang tulong na rin kaysa magbigay kayo sa puro nanghihingi lang. Salute kay tatay na matapat na masipag pa.” ayon kay Bea Santos.
Larawan mula kay Angelika dela Cruz
Inihambing naman ng isang netizen si Manong Jojo sa mga taong nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ngunit nagrereklamo pa rin.

“Salute po. Naghahari pa rin ang kabutihan. Mabuti pa si tatay kung iisipin puwede niyang pag interesan ito dahil sa dinaranas natin. Pero mas nanaig ang kabutihan niya  hindi gaya ng iba. Binibigyan na ng ayuda, dami pang reklamo. Ang ibang nabigyan ng pera ng government, ibinibili pa ng mga bisyo nila. Hay! Purihin ka lalo ng ating Panginoong Hesus sa kabutihang iyong ginawa. God bless you po.  God always guide you po, tatay.” ayon naman kay Ma Teresa D Marcelo.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Sa panahon na naghihir4p ang mga tao at naghahanap ng pagkakakitaan, Flex ko lang po ang napaka HONEST na si Sir JOJO TIAMZON nakapulot po siya ng wallet na na naglalaman ng 10,000 pesos .. anong ginawa nya? Dinala nya sa barangay at sinoli niya sa may ari na si JOSE PACHO.. Sir saludo po ako sa inyo sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo .. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong Sa kanila"
Larawan mula kay Angelika dela Cruz
Nakaka-manghang isipin na kahit na gipit ang tinderong si Mang Jojo dahil sa nararanasan ngayong enhanced community quarantine dulot ng COVID-19 ay hindi pa rin niya pinag-interesang kunin at gastusin ang napulot niyang pitaka na kung tutuusin sana ay malaking tulong na sa ito para sa kanya.

Patunay lamang ito na kahit na nasa alanganing sitwasyon ang marami saatin ngayon ay hindi pa rin talaga nawawala sa dugo ng mga Pilipino ang diwa ng bayanihan at pagiging matulungin at tapat sa kapwa.

****