Kabutihang loob ng netizen sa isang delivery guy, umani ng papuri sa social media - The Daily Sentry


Kabutihang loob ng netizen sa isang delivery guy, umani ng papuri sa social media



Sa problemang kinakaharap ngayon ng buong mundo, ang kailangan natin ay pagtutulungan at pagmamahal sa bawat isa.
Imahe mula sa Facebook post ni Cha Calubaquib

Sa simpleng bagay ay kaya nating makatulong at makabawas ng problema ng ibang tao.

Gaya na lamang ng netizen na si Cha Calubaquib, ipinamalas nito ang kanyang kabaitan at ngayon ay viral na sa social media ang kanyang ginawang pagtulong sa isang delivery person.

Sa Facebook post ni Cha, ikinuwento nito kung papaano niya napasaya ang isang delivery guy sa simpleng paraan na kanyang ginawa.

Kwento nito, umorder siya ng Baliwag lechon manok para sa kanyang sarili, sa taong magdedeliver nito at sa dalawa umanong frontliner.
Imahe mula sa Facebook post ni Cha Calubaquib

Aniya, labis ang tuwa ng delivery guy dahil mayroon na umano silang ulam ng kanyang mga anak. 
Imahe mula sa Facebook post ni Cha Calubaquib

Nagpasalamat naman si Cha sa Panginoon dahil ginamit umano siyang instrumento upang makatulong sa taong nangangailangan.

Lord, salamat po. Salamat po for making me Your instrument today to help somebody in need.”

Narito ang kanyang buong post:

“Today, out of all the other days, I’ve decided to have food delivered for the second time in this quarantine. Hindi ko kasi kaya yung hiya ko na magpapadeliver ako when all these frontliners are also risking their lives just to deliver food. So, naisip ko, kung magpapadeliver ako, gusto ko mapapakain ko din yung magdedeliver the same ng oorder ko.

So, today (ulit? Haha), naisip kong magpadeliver ng Baliwag para hanggang bukas ko ng ulam. I almost didnt order kasi nung una walang nagaaccept ng order ko. So tumigil ako. Pero, inisip ko, try ko ulit kung wala talaga hindi nako magpapadeliver. Eh may tumanggap :(( Si kuya Andrew. So, the moment na nabook ko siya as the rider, inorderan ko na din siya ng isang manok para sa kaniya, at dalawa pa para sa frontliners din dito sa building ko, shempre isa sa akin haha. Kaso walang kanin kasi di ako kumakain ng kanin ngayon (naks).

Kung alam ko lang, binilihan ko na din siya ng kanin.

Pagdating ni Kuya Andrew, sabi ko “Boss kain na din po kayo ah.” Sabi ni Kuya A, “sakto nga po ma’am kasi gutom na ako. Iuuwi ko na sana sa bahay namin pero may iddeliver pa po ako tapos uwi na po ako may ulam na po kami.”

Naiiyak nanaman ako, (baba ng luha ko sa ganito). So ayun, nagulat ako nagmessage siya ulit (SCREENSHOT). Naiyak nanaman ako. Haha.

Tapos biglang may message ako sa Inbox ko nagsend si Kuya A ng picture nilang mag-aama followed by his selfie!
Imahe mula sa Facebook post ni Cha Calubaquib

KAHIT NAKAMASK, KITA MO YUNG SAYA.

Hagulgol nako? Haha. Lord, salamat po. Salamat po for making me Your instrument today to help somebody in need. Thank You, Lord. Alam ko po, ikaw yan ❤️❤️❤️

Bago ko i-post yun picture, tinanong ko siya kung pwede ko i-post shempre (the Teacher in me haha) sabi niya,

“Opo ma’am! Sayang po wala tayong picture.” ðŸ˜­

***