Sa ipinapatupad na Enhanced Communîty Quarantîne ng ating gobyerno dahil sa kinakaharap ng ating bansa at ng buong mundo, mayroon sa ating mga kababayan ang hindi mapipigilang lumabas ng kani-kanilang tahanan upang maghanap-buhay.
Ito ay dahil kailangan nilang kumita ng pera upang mayroon silang maipakain sa kanilang pamilya.
Katulad na lamang ng isang lola mula sa Guagua, Pampanga na patuloy ang pangangalakal sa kabila ng ipinatupad na EÇQ.
Sa Facebook live ng netizen na si Rolly Guiam, nakita niya si lola Rosa sa kahabaan ng Betis habang tulak tulak ang kanyang kariton na may lamang mga kalakal at wala rin itong suot na facemask.
Ayon kay lola Rosa, pambili umano sana niya ng bigas ang kikitain sa pangangalakal. Mapapanood sa video na mayroon ding isang lalaki na nag-abot ng pera sa lola.
Ipinaliwang ni Rolly kay lola na bawal na ang lumabas dahil sa kumakalat na vîrus. Pinauwi narin niya si lola Rosa, matapos itong bigyan ng bigas, noodles, de lata at alcohol.
"Ipagpaumanhin po ng lahat ngunit kailangan po natin suwayin si lola sa pangangalakal para sa banta ng krisis pangkalusugan dahi sa covîd. Aksidente po natin nadaanan ang isang lola. On the spot po natin binigyan ng bigas delata at noodles si lola," ayon sa post ni Rolly.
Sa ngayon ay umabot na sa 97k views ang video ni Rolly.
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: Rolly V. Guiam | Facebook