Larawan mula kay Elizabeth Abala Paguntalan |
Halos lahat ng mamamayan ngayon ay walang trabaho o mapagkunan ng makakain dahil sa umiiral na lockdown sa buong isla ng Luzon dulot ng COVID-19, kung kaya naman karamihan na lamang ay nag-aantay ng ayuda mula sa gobyerno.
Mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang paglabas ng tahanan maliban na lamang kung mayroon kang bibilhin na importante tulad ng gamot o pagkain.
Ang mga tanging pinapayagan lamang na magtrabaho ay ang mga "Frontliners" o mga nagtatrabaho sa mga ospital, sundalo, pulis, janitor o mga empleyado ng supermarket.
Halos doble naman ang hirap ng mga taong nasa mababang antas ng buhay kasama na rin ang mga PWD o mga solo parent na mayroong binubuhay na pamilya.
Kung kaya naman tila hulog ng langit sa mga ito ang mga taong mayroong busilak ang kalooban na handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya.
Gayunpaman, laking pasalamat ng mga residente ng Barangay Bagong Sikat, Narra, Palawan sa kanilang butihing Kapitan matapos makatanggap ang mga ito ng pinansyal.
Larawan mula kay Elizabeth Abala Paguntalan |
Ibinida ng isang netizen na si Elizabeth Abala Paguntalan ang kanilang Kapitan matapos nitong ibahagi ang kanyang sariling sahod sa mga PDWs at solo parent sa kanilang barangay.
Makikita sa ibinahaging larawan sa Facebook si Kapitan Galla habang inilalagay ang pera sa sobre para ipamahagi.
Ayon kay Elizabeth, nagbigay rin ng dagdag tulong ang apo ni Kapitan na si Police Officer Jobeth Galla.
"Eto yung kapitan na naglalagay ng pera sa mga sobre, pinamamahagi nya sa mga PWD at Solo Parent, sahod nya daw po yan ngayong April at dinagdagan pa ng apo nyang pulis na si Police Officer Jobeth Galla, Wow.." ayon kay Elizabeth.
Kung kaya naman laking pasasalamat ng mga residente sa Barangay Bagong Sikat dahil hindi sila nagkamali sa pagboto sa kanilang Kapitan na talaga namang maaasahan at handang tumulong sa oras ng kagipitan.
Larawan mula kay Elizabeth Abala Paguntalan |
"Saludo kami sayo kap maraming salamat sa busilak na kalooban, salamat din sa apo mong Pulis.. Mabuhay kayo God bless sa Kapitan ng Brgy." dagdag pa ni Elizabeth.
Larawan mula kay Elizabeth Abala Paguntalan |
Ang ginawang kabutihang loob ni Kapitan Galla ay patunay lamang na hindi pa rin nawawala sa kultura ng mga Pinoy ang pagiging matulungin lalong-lalo na sa panahon ng kahirapan.
Basahin ang buong Facebook post ni Elizabeth sa ibaba:
"Eto yung kapitan na naglalagay ng pera sa mga sobre, pinamamahagi nya sa mga PWD at Solo Parent, sahod nya daw po yan ngayong April at dinagdagan pa ng apo nyang pulis na si Police Officer Jobeth Galla, Wow.. bukod sa tulong ng Local government unit sa iyong nasasakupan ay personal pang nag aabot ng tulong si kap sa sarili nyang bulsa.. Grabe.. Saludo kami sayo kap maraming salamat sa busilak na kalooban, salamat din sa apo mong Pulis.. Mabuhay kayo God bless sa Kapitan ng Brgy.Bagong Sikat Narra Palawan" ayon sa post ni Elizabeth.
****