Tunay nga ang kabayanihang ipinapakita at ipinapamalas ng ating mga front liners sa kabila ng problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Melnard-Aya-ay / Imahe mula sa kanyang Facebook account
Hindi matatawaran ang dedikasyon na kanilang ginagawa upang maisagawa lamang ang kanilang tungkulin.
Maliban sa mga doktor, nurse, sundalo, pulis, janitor, security guard, at garbage collector, maituturing frontliners din ang mga nagtatrabaho sa mga grocery stores o supermarket.
Sa Facebook post ng netizen na si Melnard-Aya-ay, ibinahagi nito ang kanyang sakripisyo sa araw-araw na pagpasok sa trabaho.
Gamit ang isang bisikleta, binabaybay ni Melnard ang 9.5Km na daan mula sa kanilang lugar sa Toclong, Kawit Cavite papuntang SM Rosario, General Trias, Cavite.
Imahe mula sa Facebook account ni Melnard
Ayon sa post Melnard, hindi sa kanya ang bisikleta at binabayaran niya ito ng 50 pesos araw-araw.
Aniya, meron naman siyang pwedeng masakyan ngunit 240 pesos ang kanyang gagastusin dito.
Namayat narin umano si Melnard dahil simula pa noong March 20, 2020 ay ganito na ang kanyang ginagawa papasok sa trabaho.
Dagdag ni Melnard, sana raw ay makapagsimba at makapagpasalamat sa Diyos ang lahat ng tao pagkatapos ng lahat ng nangyayari sa ating mundo.
“SNA PAG KATAPOS NITO LAHAT NG TAO MAKAPAGSIMBA AT MAKAPAGPASALAMAT SA POONG MAYKAPAL.”
Narito ang kanyang buong post:
“my experience due to COVID19 ENHANC3 COMMUN1TY QUARANT1NE
YAN LANG NAMAN YUNG MGA DINADANAS KO PARA LANG MAKAPASOK PARA SA TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
YUNG BIKE NA YAN 50PESOS LANG NAMAN PER DAY HINDI YAN AKIN AT HINDI YAN LIBRE PASALAMAT NADIN AT HINDI PA KINUKUHA NG MAY-ARI DAHIL KATAKOT TAKOT NA PAMASAHE ANG DADANASIN KO IMAGINE DITO SA LUGAR KO HANGGANG SM ROSARIO 120 SO 240 NA SIYA BALIKAN BUTI KUNG LAGING MAY CASH
GRABE YUNG PAHIRAP SATING MGA WORKERS YANG COV1D NA YAN RAMDAM KO AT ALAM KO NA PUMAYAT NA TALAGA AKO DAHIL MADAMI NAMAN NA NAKAPANSIN.
GRABE YUNG PAHIRAP SATING MGA WORKERS YANG COV1D NA YAN RAMDAM KO AT ALAM KO NA PUMAYAT NA TALAGA AKO DAHIL MADAMI NAMAN NA NAKAPANSIN.
IKAW BA NAMAN MAG BIKE NG TOKLONG KAWIT TAPOS PINAKADULO PA KAYO HANGGANG SM ROSARIO EWAN KO LANG
NAGSIMULA AQ MAG BIKE NUNG MARCH 20,2020 TILL PRESENT KAYA PLEASE SANA LANG MATAPOS NA YAN WAG NG I EXTEND PA SOBRANG PAHIRAP TALAGA
ALAM KO NAMAN NA MAHAL TAYO LAHAT NG DIYOS NANGYAYARI TO KASI MAY DAHILAN SNA PAG KATAPOS NITO LAHAT NG TAO MAKAPAGSIMBA AT MAKAPAGPASALAMAT SA POONG MAYKAPAL
LORD SALAMAT SA ARAW ARAW NA BUHAY,GABAY,MALUSOG NA PANGANGATAWAN BIYAYA AT MAAYOS NA PAMUMUHAY
ILOVEU LORD GOD”
***
Source: Melnard-Aya-ay | Facebook