Isang Doktora ikinuwento ang kakaiba at napakasayang karanasan niya sa isang Checkpoint - The Daily Sentry


Isang Doktora ikinuwento ang kakaiba at napakasayang karanasan niya sa isang Checkpoint



Napakasarap sa pakiramdam ang makatulong at makapagbigay ng saya sa ibang tao lalo na sa panahong kinakaharap natin ngayon. 
Dra. Imelda Macayra Ibarreta / Photo credit to her Facebook account

Katulad na lamang ng isang kwento ni Dra. Imelda Macayra Ibarreta, patungkol sa nangyaring checkpoint habang siya ay pauwi galing sa ospital na pinapasukan.

Sa Facebook post ng pamangkin ni Dra. Ibarreta na si Love Maglana-Torralba, naibahagi ang kakaiba at napakasayang karanasan sa pagitan ng Dra. at mga frontliners na pulis.

Kwento ni Dra., alas 10 na ng gabi noong siya ay pauwi at dumaan sa isang checkpoint. Nilapitan siya ng isang pulis at tinanong kung saan siya galing.
Photo credit to the owner

Nang malaman ng pulis kung saang ospital pumapasok si Dra. Ibarreta ay sinabi rin nitong sa parehong ospital rin naka-admit ang kanyang asawang manganganak.

Tinignan ni Dra. ang nameplate ng pulis at napag-alamang asawa nito ang isa sa kanyang mga pasyente. 

Ayon sa Dra. nanganak na pala ang asawa ng pulis ngunit hindi ito nakapunta sa ospital dahil ubos na raw ang leave nito at kailangan niyang pumasok upang mayroon itong maipandagdag sa bayarin ng kanyang asawa.

Nakaramdam ng awa si Dra. Ibarreta sa pulis kaya naman tinanong niya ito kung ano ba ang kaya niyang maitulong.

Me: (my heart went out to this young man, seemed like he was in deep thoughts) ano maitulong ko sa iyo, magtulongan nga tayo. (silence) O sige na nga kung sabihin ko sa iyo na wala kang babayaran sa akin, as in wala, ok na yon?” sabi ng Dra.

Sinubukang tumanggi ng pulis dahil nahihiya ito ngunit wala na itong nagawa nang sabihin ng Dra. na “bakit, ako nga hindi nahiya sa iyo, nagsilbi ka sa bayan.”

Narito ang buong post ni Dra. Ibarreta:

“Sharing something heartwarming between my Tita, Dra. Imelda Macayra Ibarreta and some of our gallant frontliner gentlemen at the checkpoint.
Photo credit: Rappler

Original post can't be shared, so here is a screenshot and complete text:

BLISSFUL ENCOUNTER

I was on my way home about 10 pm few nights ago when my car was flagged down at a check point manned by men in uniform, a young officer went to my side:

Officer: magandang gabi po, saan ang punta natin ma’am
Me: pauwi na sir
Officer: saan po nanggaling at mukhang ginabi tayo
Me: hospital
Officer: ano pong hospital
Me: ( i gave the name of the hospital)
Officer: dyan din po naadmit wife ko, kc manganganak na siya
Me: ( i was reading his nameplate & i asked) ........ba name ng wife mo?

Officer: ( nodding) opo, opo ( looking at me &
probably realized) ikaw po si dra ibarreta?

Me: (w/o answering, i said) nanganak na siya; bakit hindi ka na ka leave?

Officer: ubos na leave ko doc, sayang naman pangdagdag sa budget sa panganganak ni mrs & besides full alert kc kami

Me: (my heart went out to this young man, seemed like he was in deep thoughts) ano maitulong ko sa iyo, magtulongan nga tayo. (silence) O sige na nga kung sabihin ko sa iyo na wala kang babayaran sa akin, as in wala, ok na yon?

Officer: ay hindi po, nakakahiya po, sobra na po yon
Me: bakit, ako nga hindi nahiya sa iyo, nagsilbi ka sa bayan
Officer: (at this point he called his companions
& introduced me to each one, social distancing observed) siya ang doctor ng mrs, nanganak na daw si mrs

& everybody were cheering him. I was amused to see these men jubilant over the news

Me: ano meron kayo for midnight snacks?
Men: madami pong tinapay
Me: pangtulak? (I handed them a bottle of
imported coffee given me by
a friend) heto pasensiya na ha naka gift
wrapped pa

Men in chorus: birthday nyo po?
Me: hindi, matagal na then they started singing Happy Birthday in the middle of the night

I was enthralled by their singing. Oh...WHAT A NIGHT!! A blissful encounter!”




***