Viral ngayon sa social media ang post ng isang doktor matapos nitong ibahagi ang naging karanasan habang nag go-grocery sa Robinsons Eastwood supermarket.
Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao / Mga imahe mula sa kanyang Facebook account
Sa Facebook post ni Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao, ikinuwento nito ang nakakaiyak at nakakataba ng pusong pangyayari sa kanyang buhay.
Ayon kay Jumayao, matapos ang kanyang 24-hours duty, naisipan niyang mag-grocery bago umuwi. Habang nakapila na siya sa counter ay lumapit ang manager ng supermarket at binuhat ang kanyang pinamili sabay alok na mauna na ito sa priority lane.
“Doc, dito po kayo sa priority counter,” sabi umano ng manager.
Nag dalawang isip umano si Dr. Jumayao na mauna na sa counter dahil lahat ay nakapila at ayaw niyang magkaroon ng gulo.
Imahe mula sa Facebook account ni Dr. Arnel Jowjow Manayon Jumayao
“Naku po ma’am, hindi na po. Malapit na din naman ako sa counter,” sabi ng doktor.
Ngunit paglingon umano ni Dr. Jumayao sa mga kapwa niya nakapila ay nginitian siya ng mga ito at naisip niya na tila “go signal” na iyon upang mauna na siya.
Pati ang nakapila sa kanyang unahan ay sinabing mauna na siya.
“Sige na, Doc. Mauna na po kayo maraming salamat po sa ginagawa ninyo,” sabi umano ng babaeng nasa harap niya.
Maging ang manager ay nagpasalamat kay Dr. Jumayao.
Lumabas umano siyang nakangiti habang pinipigilang maiyak dahil sa tuwang naramdaman. Aniya, hindi niya inakalang ganun kagaan sa pakiramdam ang ma-appreciate ang kanilang ginagawa.
Sabi nito, mas lalo pa umano nilang gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin “bilang isang manggagamot at lalo namin titibayan ang loob namin para sa inyo.”
Sa ngayon ay mayroon ng 122k reactions, 11k comments at 24k shares ang post ni Dr. Jumayao.
Basahin ang buong post:
“From my 24-hour duty, I made a last minute decision to grab a few groceries at Robinsons Eastwood before heading home. Forgive me for I was wearing my unironed scrubs from work. Don’t worry, it was a clean pair 😉. The queue at the counter was a tad long but I fell in line just like the usual. While waiting for my turn, the supermarket manager approached me, took my grocery basket and guided me to an open counter saying “Doc, dito po kayo sa priority counter”. I was very hesitant since everyone was patiently waiting for their turn and I didn’t want to cause a scene. So I replied, “Naku po ma’am, hindi na po. Malapit na din naman ako sa counter” but she insisted and carried my stuff to the closed counter beside.
Looking back at the others who fell in line and waited for their turn, I was still hesitant to leave my spot. However, all of them smiled and what seemed like a “go signal” for me to go ahead. The lady in front of me even said “Sige na, Doc. Mauna na po kayo maraming salamat po sa ginagawa ninyo”.
The manager who opened the counter also thanked me for what I do. I walked out the supermarket smiling but holding my tears (Promise naiyak ako) 😄. Hindi ko po inakala ganito pala kagaan sa loob pag sa harap mo mismo naramdaman na inaapreciate ka. Hanep! Sarap ng feeling makarinig ng ganyan lalo na pag pagod ka. 😁 Yung pasasalamat ninyo ay bukod tanging nagpapatibay sa amin. Lalo pa namin galingan at paghuhusayan yung ginagawa namin. Lalo namin gagampanan ang sinumpaan namin bilang isang manggagamot at lalo namin titibayan ang loob namin para sa inyo. “❤️
***