Sa isang lugar sa Sorsogon, may inilunsad na “Kindness Station” kung saan maaaring kumuha ang mga residente ng libreng pagkain.
Imahe mula sa Kindness Station
Dahil sa kakaibang gimik na ito nag-viral agad sa social media ang “Kindness Station” na mayroong motto na “Give, Share, Receive.”
Pinuri ito ng mga netizens dahil sa nakakatuwa at unique na paraan ng pagtulong sa bawat residente sa lugar.
Ang sistema ay mag-iiwan ang mga donors ng pagkain tulad ng bigas, ulam, de lata, kape, prutas at iba pa. Ang mga residente namang lubhang apektado ng problemang kinakaharap ng ating bansa ay maaaring kumuha ng kanilang kailangan.
Ang sistema ay mag-iiwan ang mga donors ng pagkain tulad ng bigas, ulam, de lata, kape, prutas at iba pa. Ang mga residente namang lubhang apektado ng problemang kinakaharap ng ating bansa ay maaaring kumuha ng kanilang kailangan.
Imahe mula sa Kindness Station
Imahe mula sa Kindness Station
Imahe mula sa Kindness Station
Sa mismong Facebook page ng “Kindness Station”, ibinahagi nila ang kanilang gimik upang magbigay inspirasyon sa iba pang lugar.
“KUMATOK LANG HUWAG MAHIHIYA. Kung magkapitbahay tayo at walang-wala ka, walang trabaho at wala nang makuhanan, pakiusap wag kang matulog na walang laman ang tiyan. Hindi kami mayaman pero we will be more than happy to share whatever food we have. There will absolutely be no judgement. It’s now our turn to show kindness during these difficult times,” ayon sa post nila.
Imahe mula sa Kindness Station
Imahe mula sa Kindness Station
Imahe mula sa Kindness Station
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng mailunsad ang Kindness Station. Mayroong 221 na pamilya na umano ang natulungan nito at araw-araw ay mas lalo pang nadaragdagan ang mga ito.
Bukod sa pamimigay ng pagkain, gusto umanong i-promote ng Kindness station ang ugaling mapagbigay at kabaitan sa bawat isa.
“We wish that the cycle of kindness and generosity will continue and break the spirit of greed.”
***
Source: Kindness Station | Facebook