Lalaking restaurant owner na nag-aalok ng libreng pagkain sa mga tao, hinangaan ng marami - The Daily Sentry


Lalaking restaurant owner na nag-aalok ng libreng pagkain sa mga tao, hinangaan ng marami



Larawan mula kay Jirah Joy Padama

Dahil sa umiiral taghirap at kawalan ng mga tao ng makakain sa buong bansa bunsod ng umiiral na pandemya ngayon, madami ngayon sa ating mga kababayan ang hindi malaman kung saan hahagilap ng makakain dahil karamihan sa mga ito ay walang mga trabaho at paubos na rin ang mga ipon na pera.

Kung kaya naman sa panahong ito ay kailangan ng bawat isa na magtulungan sa abot ng makakaya upang malagpasan ang dinaranas na pagsubok na ito.

Gayunpaman, viral ang post ng isang netizen na si Jirah Joy Padama kung saan ay ibinahagi nito ang kabutihang loob ng isang lalaki na nag-aalok na libreng pagkain sa mga taong dumadaan sa harap ng restaurant na kanyang pagaari.

Ang lalaking ito ay napag-alamang isa umanong Indiano na nagmamay-ari ng isang Indian food restaurant na "Star Punjabi Dhabu" dito sa bansa.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Pagbabahagi ni Jirah sa kanyang Facebook post, naglalakad sila kasama ang kanyang kaibigan upang maghanap ng restaurant para bumili ng lutong ulam nang madaanan nila ang restaurant ni kuya na nagbibigay ng libreng pagkain sa kanyang tindahan.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
"While naglalakad kami para maghanap ng mabibilhan ng ulam.. nadaanan namin itong Indian food restaurant. Then, tinawag kami ng may ari kain daw libre, nagpapakain daw sya ng free dahil sa pandmic situation.. ayon kay Jirah.

Kwento pa ni Jirah, ilang beses raw nilang inalok na magbayad sa kanilang kinain ngunit ilang ulit din itong tumanggi na kunin ang bayad dahil tulong raw niya ito sa mga tao.

"Ilang beses kami nag alok na magbayad pero ayaw niya talaga." dagdag pa nito.

Ayon raw umano sa lalaking Indiano, nagpapakain siya ng libre sa mga tao dahil ramdam nito ang hirap ng bawat mamamayan bunsod sa nararanasan ngayong gutom ng bawat isa sa pilipinas.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Nakakatuwang isipin na kahit iba ang lahi ni kuya ay nagagawa pa rin niyang tumulong at maki-isa.

Patunay lang na kahit sa oras ng kahirapan ay madami pa rin ang mga taong mabubuting loob na handang tumulong sa mga nangangailangan.
Larawan mula kay Jirah Joy Padama
Basahin ang buong post ni Jirah sa ibaba:

"While naglalakad kami para maghanap ng mabibilhan ng ulam.. nadaanan namin itong Indian food restaurant. Then, tinawag kami ng may ari kain daw libre, nagpapakain daw sya ng free dahil sa pandmc situation.. Ilang beses kami nag alok na magbayad pero ayaw niya talaga.. Bait naman super nakaka good vibes si sir.. Kahit iba nationality niya gusto niya pa rin tumulong sa mga pinoy @StarPunjabiDhabu God bless you Po."

****