Ilang guro, nag-bayanihan para mamigay ng relief goods sa mga estudyante - The Daily Sentry


Ilang guro, nag-bayanihan para mamigay ng relief goods sa mga estudyante



Larawan mula kay Marinel Fabul Ocampo
Hinangaan sa social media ang ginawa ng ilang guro sa San Roque Elementary School sa Camarines Norte matapos mag-ambagan upang magbigay ng relief goods sa kanilang mga estudyante.

Sa mga larawan na ibinahagi ng gurong si Marinel Fabul Ocampo, makikita ang sari-saring pagkain na nakabalot sa paper bag at plastic bag.

Kada plastic ng relief goods ay mayroong laman na ibat-ibang klase ng de lata, noodles, sitaw, munggo, itlog at dalawang kilong bigas.
Larawan mula kay Marinel Fabul Ocampo
Ayon kay Teacher Marinel, ang perang ginamit nila ng mga kapwa guro niya para sa ayudang ipapamigay sa mga mag-aaral ay mula sa natirang sahod at kaunting ipon nila.
Larawan mula kay Marinel Fabul Ocampo
Tuloy-tuloy umano ang pamimigay nila ng relief goods pa din sa mga magulang na kapos at lubhang apektado sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

“The public school teachers in our brgy.,(San Roque Mercedes) have initiated a FOOD RELIEF EFFORT for the low income families struggling bec of the Covid-19. THOSE FAMILIES are in d1stress and needs help from us. MAY I appeal to everyone’s kindness to support para maka-raise ng fund pambili ng pantawid gutom: BIGAS, SARDINAS, NOODLES AT GULAY. Sa aking kapwa BIKOLANO, tabangan ta man tabi ang samuyang kabanwaan, Dios Mabalos (GODbless Evryone)” ayon kay Teacher Marinel sa kanyang Facebook post.
Larawan mula kay Marinel Fabul Ocampo
Dahil sa umiiral lockdown dulot ng COVID-19 sa bansa, karamihan sa mga trabaho ay huminto ang operasyon at mahigpit na pinagbabawalan ang mga tao na umalis sa kanilang mga tahanan.
Larawan mula kay Marinel Fabul Ocampo
Pinapayagan lamang lumabas ng bahay ang mga may bibilhin na importante tulad ng pagkain o gamot, tanging ang mga pinapayagang pumasok lamang sa trabaho ay ang mga nagtatrabaho sa ospital, sundalo, pulis, janitor o mga empleyado ng supermarket.

Ang ginawang kabutihang loob ng mga guro tulad nila Teacher Marinel ay patunay lamang na hindi pa rin nawawala sa mga Pinoy ang diwa ng bayanihan lalo na sa panahon na madaming nangangailangan ng tulong.

****