Igorot na OFW nag donate ng P50k para sa kanyang mga kababayan sa Benguet - The Daily Sentry


Igorot na OFW nag donate ng P50k para sa kanyang mga kababayan sa Benguet



Ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW) ay hindi madaling hanap-buhay. Maraming hirap at sakripisyo ang kailangang mong tiisin upang makatagal ka sa bansang hindi mo kinalakihan.
Jemmer Tasing Tagure / Imahe mula sa kanyang Facebook account

Ang mahiwalay sa pamilya ay hindi madaling desisyon ngunit kailangan mo itong gawin upang mabigyan mo sila ng magandang buhay.

Hindi rin tiyak kung meron bang kahihinatnan ang pagkikipagsapalaran ng isang OFW sa ibang bansa. Kaya naman itinuturing silang mga bagong bayani ng ating henerasyon.

Samantala, isang seaman mula sa Benguet ang nagpatunay ng kadakilaan at pagiging buhay na bayani matapos nitong magbigay ng P50k upang ipambili ng kaban-kabang bigas para sa kanyang mga kababayan.
Jemmer Tasing Tagure / Imahe mula sa kanyang Facebook post.

Kinilala ang OFW na si Jemmer Tasing Tagure, isang Marine Chief Engineer. 

Narito ang kanyang post sa Facebook:

“Sharing P50,000.00 to my hometown Kabayan Barrio, Kabayan, Benguet. I’m not rich and don’t have so much things in life. I’m only a sailor and a farmer too. We are all affected by this crisis, share whatever little things we have. This is only small amount, but I hope it would bring big smiles for those in needs. Pray and stay at home.”



***