Homeless Parking Boy na nagsauli ng napulot na wallet, kinabiliban ng marami - The Daily Sentry


Homeless Parking Boy na nagsauli ng napulot na wallet, kinabiliban ng marami



Larawan mula kay Charlon Ignacio
Sa panahon ngayon kung saan ay ramdam ng karamihan ang epekto ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon dulot ng COVID-19, hindi pa rin talaga nawawala sa diwa ng mga pinoy ang pagiging matulungin at hindi pananamantala sa kapwa sa kabila ng kagipitan na nararanasan ngayon ng karamihan sa bansa.

Pinatunayan ito ng isang parking boy sa isang ministop sa Marikina kung saan ay isinauli niya sa may-ari ang napulot nitong wallet na may lamang pera, atm at credit cards.

Kahit na walang sariling tirahan, walang trabaho at may nararamdaman  na sak1t ang parking boy na si Jheonathan Romasanta, hindi pa rin niya pinag-interesan na huwag ibalik ang wallet ni Charlon Ignacio.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ignacio ang buong kabutihang loob ng isang parking boy matapos isauli sa nito kanya ang kanyang wallet.
Larawan mula kay Charlon Ignacio
Kwento ni Ignacio, galing siya sa Marikina Bayan BPI para mag-withdraw ng pera at nang makauwi na ito ay napansin niyang nawawala ang kanyang wallet kung kaya naman dali-dali siyang bumalik sa ATM station at sa parking lot upang hanapin ito.

Dito ay mayroong nakapagsabi sa kanya na napulot ito ng isang parking boy at dinali sa malapit na istasyon ng pul1sya kung kaya agad niyang pinuntahan ito.

Laking tuwa at pasasalamat ni Ignacio ng marating niya ang istasyon ng pulis kung saan ay ibinalik sa na kanya ang kanyang nawawalang wallet.

Napag-alaman ni Ignacio na ang lalaking nakapulot sa kanyang wallet ay walang trabaho at sa kalsada lang natutulog na may dinaramdam pa itong sak1t. Kung kaya lubos siyang nagpasalamat dahil hindi nito naisipan na paginteresan ang napulot na wallet.
Larawan mula kay Charlon Ignacio
Ang ginawang pagsasauli ni Jheonathan sa napulot niyang wallet sa may-ari, patunay lamang na kahit nasa mababang istado ka ng buhay ay hindi pa rin ito dahilan para gumawa ng hindi maganda sa kapwa. 

Basahin ang buong Facebook post ni Charlon Ignacio sa ibaba:

"I went to Marikina Bayan BPI to withdraw cash. When I arrived home, I noticed that my wallet is missing. I may have dropped it somewhere near the parking area. So, I went back immediately to the atm station and parking hoping that my wallet is still there. It wasn't in the parking nor at the atm station. There is a ministop beside the atm station so I asked the person inside if there is a CCTV camera outside the store. 

"Suprisingly, the man knew my name because he said that the barker/parking attendant picked up my wallet and was trying to find me in the store. He gave me a small piece of paper with a guy’s name and a number. He said the guy, together with the barker returned my wallet at the nearby pol1ce station. I was so happy when I found out that a good samaritan wanted to return my wallet. I went to police station and they gave it back to me. They were already searching for me in facebook to message me about my missing wallet. Kudos to our pol1cemen in Marikina..

"I called the number and met with the good samaritan and the guy who returned my wallet. The good samaritan, Jheonathan Romasanta is a parking attendant at ministop. He is JOBLESS, HOMELESS and 1LL (he has a Thyro1d d1sease) and YET STILL DECIDED to return my wallet. Ni hindi pumasok sa isip nya na kunin na lang yung wallet ko para pambili nya ng pagkain or gamot. God bless you Kuya.. I know the Lord will return the blessings to you at alam ko na higit pa yun sa laman ng wallet ko.
Larawan mula kay Charlon Ignacio
"I also want to shout out to Emmanuel Villegas. When Jheonathan picked up my wallet, unknowingly, he was being observed by Emmanuel and wanted to check his move. When he found out that Jheonathan wanted to return my wallet, he bought him food, OFFERED him a job and accompanied him to police station to return my wallet. Thank you Sir and God bless you too..

"God, You really amaze me today. Thank You for this experience. May You bless these people. You make me realize that despite of what’s happening now, there is still really good in this world. To God be the glory.

"PS: I make this post public for everyone who wants to share it. Jheonathan also wants this post to be seen by his brother, Gerald Romasanta. Sana makarating sa kanya.

****