Genius Quarantine 'Snack System' ng Isang Mommy, patok sa Social Media - The Daily Sentry


Genius Quarantine 'Snack System' ng Isang Mommy, patok sa Social Media



Photo Credits: Stephanie Craig, Facebook

Patok na patok ngayon sa social media ang post ng isang 'working momma' matapos niyang ibahagi sa Facebook ang kanyang nakatutuwang pakulong 'snack system' para himukin ang kanyang siyam (9) na taong gulang na anak na gumawa ng mga gawaing bahay habang nakasailalim sa home quarantine.

Tampok sa post ni Stephanie Craig mula sa Austin, Texas ang dalawang litrato na nagpapakita ng mga listahan ng mga basic activities na may kaukulang credit points o amount na pwedeng pamilian ng kanyang anak.


Screen-Shot-2020-04-01-at-8-35-46-PM


Sa ikalawang litrato naman makikita ang mga rewards (snacks at activities tulad ng 'TV time, Xbox time at Switch Time') na pwedeng paggamitan ng mga nakuhang nitong credit points mula sa kanyang mga na-accompish na tasks.

Screen-Shot-2020-04-01-at-8-36-01-PM

Sa naturang Facebook post ay nabanggit ni Craig ang hirap na kinakaharap ng mga inang tulad niya lalung-lalo na sa paglibang sa mga bata upang hindi sila mabagot. Dagdag pa niya, kina-kailangan talagang maging resourceful at innovative ang mga mommies para libangin ang kanilang mga anak.

Narito ang buong post: 




Umani ng napakaraming positibong komento ang naturang post ni Stephanie sa mga netizens.


 Sa katunayan, ang total post shares nito ay malapit ng umabot sa halos 400,000 sa Facebook.





Tunay nga na mababawasan ang pagka-inip natin sa bahay isa kung tayo lamang ay magiging malikhain habang tayo'y naka-community quarantine.


Source: Stephanie Craig | Facebook