Larawan ng tatlong nurse na nag-bisikleta patungo sa ospital, kinabiliban - The Daily Sentry


Larawan ng tatlong nurse na nag-bisikleta patungo sa ospital, kinabiliban



Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong bansa para labanan ang kumalakat na coronav1rus (COVID-19), mahigpit na pinagbabawalan ang mga tao na lumabas sa kanilang mga tahanan ganoon din ang pagbyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Dahil dito ay maraming apektado at naghihirap na mamamayan dahil karamihan dito'y hindi makapagtrabaho at wala ng maipakain sa kanilang mga mahal sa buhay.

Doble naman ang hirap at pagsasakripisyo ng mga kababayan nating frontliners tulad ng mga doktor, nurse at mga sundalo na handang magsakripisyo ng kanilang sariling buhay para lang gamutin ang mga naapektuhan ng nasabing v1rus.

Gayunpaman, viral sa social media ang larawan ng tatlong nurse kung saan ay nakasakay ang mga ito sa bisikleta patungo sa pinagtatrabahuan nilang ospital.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Ayon sa netizen na si Aldo Nelbert Banaynal na siyang nagbahagi ng mga larawan sa kanyang Facebook account, patungo umano ang tatlong nurse sa Chong Hua Hospital sa Cebu.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
"Spotted Three frontliners (2 nurses and an orderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban road. When they rested, i approached and asked them from which hospital theyre from. Im shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente." ayon kay Banaynal

Ayon pa kay Banaynal, mayroon naman daw silang service na bus ngunit limitado lamang ito at hindi raw umano tugma ang byahe sa kanilang iskedyul.

"They said that there are service buses for them but its only limited and it doesnt go well with their duty schedule." sabi ni Banaynal

Napansin naman ni Banaynal na tila pare-parehas ang gamit nilang bisikleta kung kaya tinanong niya kung nirentahan lamang nila ang mga ito at sinabi nilang ibinigay umano sakanila ng isang mabuting abogado.
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
"Whats more interesting, i noticed theyre bikes were kinda identical, i asked them if it was rented. They said it was given to them by a certain lawyer." dagdag pa ni Banaynal 
Larawan mula kay Aldo Nelbert Banaynal
Basahin ang buong post sa ibaba:

"Spotted Three frontliners (2 nurses and an orderly) braving to pedal the whole stretch of Talamban road. When they rested, i approached and asked them from which hospital theyre from. Im shocked to know that they came way back from Chong Hua in Fuente... They said that there are service buses for them but its only limited and it doesnt go well with their duty schedule.

"Whats more interesting, i noticed theyre bikes were kinda identical, i asked them if it was rented. They said it was given to them by a certain lawyer.

"*akoy naluoy para nila.. I hope matagaan pa ni sila ug saktong pagtagad sa gobyerno.

"And para atong good samaritan na abogado, saludo ko nimo...dako maau kag natabang.

****