Bunsod ng limitadong transportasyon ngayon sa bansa dulot ng lockdown, karamihan ay hirap sa paggalaw.
Ito ang kwento ng isang matanda mula sa Pampanga.
Ayon kay Sherwin Enriquez, doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), namataan nya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.
Sabado, April 4, nang makita nya ang lolo sa NLEX.
Base sa video na in-upload ng doktor, tila emosyonal ang matanda nang alukin ni Enriquez ng libreng sakay ang lalaki.
Papunta raw sya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan nyang lakarin ang napakalayong syudad sa kabila ng katandaan. Paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.
Sa video, makikita ang matanda na nagpipigil ng luha habang sinasabing “walang masakyan,”
Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.
Kwento ng matanda, pumipitas sya ng mangga pag may madadaanan para lang may makain habang naglalakad.
“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor na nagdesisyong pasakayin ang lalaki.
Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si Enrique na i-turn over na sya sa mga otoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.
Pero bago umano sila maghiwalay, ayon sa good samaritan, ay binigyan nya ito ng packs of biscuits at kaunting pera.
“Gave him biscuits and a few bucks then dropped him at Bocaue toll gate office (thank you sir Jay Cadiz) to be given proper attention. Ingat ka, tatay! Sana po ay makuha niyo ang tulong na kailangan niyo kasi walng tao na deserve tumanda ng ganito. 😔 Praying for you po! 🙏🏻” pagbabahagi ng nagmalasakit na doktor.