Bata na Nagtitinda ng Kamote Cue, Ibinalik ang Napulot na Pera at Cellphone - The Daily Sentry


Bata na Nagtitinda ng Kamote Cue, Ibinalik ang Napulot na Pera at Cellphone



Larawan mula kay Jam Loresto
Viral social media ang post ng isang netizen na si Jam Loresto kung saan ay ibinahagi nito ang kabutihang loob ng isang batang babae na nagsauli sa kanya ng nawawalang cellphone at ATM.

Ayon kay Jam, hindi na niya inaasahan na maibabalik pa sa kanya ang nawawalang gamit dahil sa pagkakaalam niya ay naiwan niya ito sa simbahan kung saan ay madaming tao noong araw na iyon.

Malaki ang pasalamat niya nang puntahan siya sa kanilang bahay ng isang batang babae na si Donna Mae Aguilar, dose anyos na nagtitinda ng kamote Cue sa may simbahan.

"Di na ako umasa na makakabalik kasi andaming tao nung time na yun kaya sobra akong nagpasalamat nung naisauli sakin." ayon kay Jam.
Larawan mula kay Jam Loresto
Dahil sa ipinakitang kabutihang loob ng batang ito ay sobrang natuwa si Jam 

Sobrang natuwa si Jam sa ipinakitang kabutihang loob ng bata kung kaya naman agad niya itong pinatuloy sa kanilang bahay at ipinakilala sa kanyang mga mahal sa buhay.
Larawan mula kay Jam Loresto
Doon ay kinausap ni Jam ang bata kung saan ay napag-alaman niyang wala na parehas ang kanyang ama at ina at tanging ang maliit na kapatid at lola na lamang niya ang kanyang kasama sa buhay.

Bilang pasasalamat naman ay binigyan ni Jam ng mga damit ang bata pinakyaw na rina ng mga tinda nitong kamote cue upang makauwi na ito at makapagpahinga na.

Bakas naman ang saya sa mukha ng bata ng bigyan siya ni Jam ng isang teddy bear na laruan.
Larawan mula kay Jam Loresto
Basahin sa ibaba ang buong post ni Jam:

"Share ko lang to kasi natouched ako (A Beautiful Angel on the street)

"Sya si Donna Mae Aguilar taga tulay ng brgy Banuyo,Pilar,Sorsogon (Bikol).

"12 years old nag-aaral sa Binanuahan Elementary School. Ito yung batang nakapulot at nagbalik ng cellphone ko ng naiwan ko sa may simbahan. Sobrang importante kc andun ang atm ko sa loob ng case pero Di na ako umasa na makakabalik kasi andaming tao nung time na yun kaya sobra akong nagpasalamat nung naisauli sakin.

"Naglalako pala sya ng camote cue tuwing hapon kaya nung makita ko tong bata tinawag ko sya tapos pinatuloy ko sa bahay para magthank you ulit sakania. Pinakilala ko pa sya sa nanay at mga kapatid ko.

"Dinala ko sya sa kwarto para bigyan ng konting damit at doon ay tinanong ko sya "Bakit nagtitinda ka ng camotecue kahit tirik na tirik ang araw? Nasaan ang mga magulang mo?"

"Sagot nia sakin "Si mama po nag-aalaga ng mga kapatid ko, yung tatay ko naman po wala na. Tinutulungan ko po si mama."

"Ang tinuturing nya pala na mama ay ang lola nia at wala na rin syang komunikasyon sa tunay niyang ina. Kaya si lola na ang nag-alaga sa kanila.
Larawan mula kay Jam Loresto
"Naantig ang puso ko niyakap ko sya dahil kahit kapos din sa buhay mas pinili nia paring gumawa ng mabuti sa kapwa nung minsang sinauli nia ang nawawalang bagay na importante para sa iba.

"Bilang pasasalamat binigyan ko sya ng konting regalo .Nakita ko ang tuwa sa mata nia nung inabot ko sa kania ang isang munting laruan. Binili ko na rin ung tinitinda nia para makauwi na sya at makapagpahinga..

"Hindi matatawaran ng kahit anung bagay ang ginawa mong kabutihan sayong kapwa gaano man ito kaliit o kalaki kaya saludo ako sayo danna mae. Isa kang inspirasyon at magandang halimbawa. Sana lahat ng tao katulad mo.

"Semana Santa Stories: AnghelSaLupa

"ShareThisToInspireOthers

****