Larawan mula kay Antonio Muñoz |
Dahil sa umiiral ngayon na lockdown at community quarantine sa ibat-ibang bahagi ng mundo dulot ng COVID-19, mahigpit na pinagbabawalan na lumabas ng bahay ang mga tao. Tanging ang mga nagtatrabaho sa mga ospital, pulis, janitor o empleyado ng mga supermarket na tinatawag na mga "Frontliners" lamang ang maaaring pumasok sa kanilang mga trabaho upang magserbisyo sa taumbayan.
Dahil dito, kanya-kanya namang gimik ang mga tao para makabili ng pagkain tulad na lamang ng isang lalaki kung saan ay nautusan niya umano ang kanyang alagang aso para bumili sa tindahan ng 'Cheetos' sa harap ng kanilang bahay.
Larawan mula kay Antonio Muñoz |
“Day three of quarantine. I wanted my ‘Cheetos,’” ayon sa post ni Antonio Muñoz.
Larawan mula kay Antonio Muñoz |
Sa isang Facebook post, ibinagi ng netizen na si Antonio Muñoz ang kanyang ginawang diskarte sa pag-utos sa kanyang alagang aso (chihuahua) ang pagbili ng makakain.
Dahil sa pagka-sabik ni Antonio sa nasabing chichirya, naisipan niyang gumawa ng isang sulat sa papel at isinabit niya ito sa collar ng kanyang alaga na may nakasulat na: “Hello Mr. Shopkeeper. Please sell my dog some Cheetos, the orange kind, not the red ones, they’re too hot. She has $20 attached to her collar.”
Larawan mula kay Antonio Muñoz |
At may pahabol pa ito na, “WARNING: She will bite if not treated right. Your front neighbour.”
Larawan mula kay Antonio Muñoz |
Hindi naman malinaw ang ginawang diskarte ni Antonio upang mapasunod ang kanyang aso ngunit makikita sa larawan ng kanyang post na tila hindi siya binigo ng kanyang alaga dahil makikitang kagat-kagat ng kanyang aso ang inaasam niyang meryanda pauwi sa kanilang bahay.
Nangyari ito sa Mexico kung saan ay ipinagbawal na noong March ang nasabing quarantine kasabay ng pagpapasara ng mga establisyimento matapos umabot sa 300 ang nakumpirmang positibo sa COVID-19.
Agad namang nag-viral ang post ni Antonio na umabot na sa 31K reaksyon at 250K na shares mula sa mga netizen.
****
Source: Antonio Muñoz / Facebook