Amo, hinanap ang bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natitirang sahod at 13th month pay - The Daily Sentry


Amo, hinanap ang bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natitirang sahod at 13th month pay



Larawan mula kay James Voltaire Carson
Marami ang apektado sa umiiral na lockdown o enhanced community quarantine sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas dulot ng COVID-19. Halos lahat ay walang trabaho at karamihan ay hirap makahanap ng makakain lalo na ang mga mamamayan na nasa mababang antas ng buhay.

Kung kaya naman karamihan nalang sa mga ito ay 

umaasa na lamang sa ayuda na ibibigay ng gobyerno.

Tanging mga "Frontliners" lamang ang pinapayagang pumasok sa kanilang mga trabaho upang maglingkod sa bayan, tulad ng mga nagtatrabaho sa mga ospital, mga sundalo, pulis, janitor o mga empleyado sa supermarket.

Sa kabila ng walang trabaho ng karamihan sa bansa dahil ipinatupad na quarantine, malaking tulong din sa mga ordinaryong trabahador ang halagang ibinibigay ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado tulad ng advanced 13th month pay.

Gayunpaman, hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng isang amo ng kumpanya matapos nitong hanapin ang bahay ng kanyang empleyado sa liblib na lugar upang ibigay ang hindi nakuhang sahod at advanced 13th month pay nito.

Ayon sa Facebook post ni James Voltaire Carson, simula ng tumigil ang operasyon ng kanilang kumpanya dahil sa lockdown ay hindi na niya muling nakita si Noel na isang utility man sa kanilang trabaho dahilan ng hindi nito maibigay ang kanyang natitirang sahod at 13th month pay nito.
Larawan mula kay James Voltaire Carson
"Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha." saad ni James.

Kwento ni James, nag-alala siya kay Noel dahil baka wala lang umano itong kakayahan para magbiyahe para kunin ang kanyang natitirang sahod dahil mula pa ito sa mayong probinsya na hindi sanay sa syudad at wala din itong ginagamit na cellphone.

"Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone." ayon kay James.

Dahil dito ay nagpasya si James na hanapin ang kinaroroonan ng bahay ni James at para iwas sita ay ginamit niya ang kanyang 'angkas costume' para matunton ang bahay ni Noel.
Larawan mula kay James Voltaire Carson
"Nag decide ako hanapin ang bahay nya sa isang barangay sa San Pedro, Laguna at medyo malayo nga at liblib. Gamit 

ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay nya." kwento nito.

Tuwang-tuwa umano si James nang makita nitong nasa maayos na kalagayan ang kanyang empleyado at hindi rin matatawaran ang saya sa mukha ni Noel nang magkita sila ng kanyang amo at tanggapin ang natitirang sahod at ang kanyang 13th month pay.

"Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan nya at naibigay ko personally ang sweldo + prorated 13th month nya." dagdag pa ni James.

Ang ginawang kabutihan at pagmamalasakit ni James para sa kanilang empleyado na si Noel ay pagpapakita lamang na hindi pa rin nawawala sa ugali ng mga Pilipino ang diwa ng bayanihan at pagiging matulungin lalo na sa panahong ito.

Basahin ang buong post ni James sa ibaba:

"Siya si noel kung tawagin namin ay Bay. I hired him 2 years ago as utility man. Nakakamiss pag absent sya kasi makalat sa ground floor pag wala sya. Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha. Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone. Nag decide ako hanapin ang bahay nya sa isang barangay sa San Pedro, Laguna at medyo malayo nga at liblib. Gamit ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay nya. Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan nya at naibigay ko personally ang sweldo + prorated 13th month nya.

"Mga simpleng kasiyahan para saatin. Just want to inspire not to impress."

****