Nicholai Belgica | Photo credit to her Facebook account |
Sinasabing sa panahon ngayon, naging mas bukas na ang pag-iisip ng mga Filipino sa 'gender equality' o pagbibigay ng pantay na respeto at pagtingin sa kapwa, ano pa man ang kasarian nito.
Kung dati rati ay hindi sila nabibigyang ng tamang karapatan at kalayaan na ipakita ang kanilang tunay na sarili, ngayon ay bukas palad na silang tinatanggap ng lipunan, lalo na silang mga nagbibigay karangalan sa bansa, kasama na dito ang mga nag-vaviral sa social media dahil sa angking talino at talento, at sa mga mayroong nakaka-bilib at nakaka-aliw na kwento ng buhay.
Kung dati rati ay hindi sila nabibigyang ng tamang karapatan at kalayaan na ipakita ang kanilang tunay na sarili, ngayon ay bukas palad na silang tinatanggap ng lipunan, lalo na silang mga nagbibigay karangalan sa bansa, kasama na dito ang mga nag-vaviral sa social media dahil sa angking talino at talento, at sa mga mayroong nakaka-bilib at nakaka-aliw na kwento ng buhay.
Tulad na lamang ng isang Ateneo graduate at transgender na si Nicholai Belgica, na sadya diumanong hinangaan sa pagbabahagi niya ng kanyang larawan noong siya ay hindi pa ganap na binibini.
Photo credit to Nicholai Belgica's Facebook account |
Ayon kay Nichokai, ang lumang larawan ay kuha apat na taon na ang nakalilipas, kung saan ibang-ibang ang kanyang anyo at itsura kung ikukumpara sa ngayon.
Ngunit ani Nicholai, nag-iba man ang kanyang panlabas na anyo at katangian ngayon, ay wala itong ipinagbago sa nilalaman ng kanyang puso at palagi niyang ipagmamalaki ang landas na tinahak na diumano ay hindi niya madaling narating.
Sa nasabing post, pinasalamatan din ni Nicholai ang kanyang paaralan at mga magulang sa suporta na ibinigay sa kanya upang ipakita sa mundo ang tunay niyang pagkatao at patuloy na ipagmalaki ito.
Ang nasabing post ay umani ng suporta at paghanga sa mga netizens at naging inspirasyon ng kapwa niya transgenders.
Comments from netizens | Photo credit to Nicholai Balgica's Facebook account
|
"From a GH boy to a proud Atenean girl
Seeing this photo is so surreal... four years ago, I didn’t think I’d be as happy as I am today. How I wish I could go back in time and show this to 15-year old Nicholai, so that she wouldn’t be so hard on herself! The truth is, I may look different — but my heart is still, and always has been, the same. I will always be proud of my journey, because it took so long and so much to get here.
Thank you to Ateneo and most especially my parents for allowing me to discover and ultimately express my truest self. Thank you for consistently supporting my happiness. I will forever and always be grateful to you.
Anyway, #gradwaiting na po tayo! Konting kembot nalang mga siz."
Source: Nicholai Belgica