Thanks to Japanese technology! Kauna-unahang PH subway, disaster-proof - The Daily Sentry


Thanks to Japanese technology! Kauna-unahang PH subway, disaster-proof




Tiyak na mapapabilib ang lahat sa kauna-unahang subway sa bansa. Bukod kasi sa first time magkakaroon ng subway sa Pilipinas ay may isa pa itong feature na kauna-unahan din kung ang  disaster-resiliency sa transportation system ang pag-uusapan.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na pagdating sa pinaka-advance na teknolohiya, isa ang Japan sa mga nangunguna sa buong mundo.


Kaya naman hindi na rin nakapagtataka na ang kasalukuyang ginagawa na subway sa Metro Manila, sa tulong ng mga hapon, ay magiging isang napakagandang transportasyon na maihahalintulad sa ibang bansa.

Isa ito sa mga inaasahang paraan upang ibsan ang katakot-takot na traffic sa kalakhang Maynila na iniinda ng pinoy commuters araw-araw.

Idinaos ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto noong February 27 at inaasahang makukumpleto taong 2025. Sa panahong ito, magiging pang-anim sa Southeast Asian Nation ang Pilipinas na magkakaroon ng sarili nitong subway railway system.

370,000 katao ang makikinabang sa naturang underground transport system sa kamaynilaan araw-araw.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Philippine subway ay may haba na 36 kilometers na may 15 stations mula sa Quirino Highway papuntang NAIA Terminal 3 sa Pasay at FTI sa Taguig.

Gagamitan ito ng Japanese technologies para sa matibay na pananggalang laban sa anumang natural disasters.

Nagkakahalaga ang underground rail line ng P357 billion, kasama na dito ang.loan agreement na nilagdaan ng Philippine government at ng Japan International Cooperation Agency na ¥104.53billion o P49.45 billion.

Ayon kay TJ Batan na syang Transport undersecretary for Rails, ang Metro Manila Subway ay “not just designed to keep passengers safe but also ensure the reliable and continuing operation of the system before, or after the occurrence of natural disasters.”

Hayag naman ng Japanese Ambassador to the Philippines na si Koji Haneda, makakaasa ang mga pinoy ng “world-class mass transport system with cutting-edge technology,”

Dagdag pa nya, makatitiyak ang Pilipinas sa “extensive experience” ng Japan mula sa subway construction hanggang sa railways operation and maintenance.

Ang Filipino-Japanese joint venture na Shimizu Corp. Fujita Corp.-Takenaka Ltd. ang magdidisenyo at bubuo ng unang tatlong mga istasyon ng naturang subway.

Sa 2022, ang first three stations ng Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue stations ay inaasahang magbubukas na sa publiko.