Taxi driver nagbalik ng bag na may lamang P1 milyon - The Daily Sentry


Taxi driver nagbalik ng bag na may lamang P1 milyon



Hinangaan ang isang taxi driver mula Butuan City dahil hindi ito natukso sa malaking halaga ng perang naiwan sa loob ng kanyang minamanehong taxi.
Christian Estrada ay ang mag-asawang nakaiwan ng backpack / Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ayon sa taxi driver na si Christian Estrada, isinakay raw niya ang mag-asawang pasahero sa isang hotel noong Marso 12 upang ihatid sa bus terminal.

Kwento ni Estrada, naiwan ng mag-asawa ang backpack na may lamang pera pagbaba nila ng taxi. Hindi rin umano napansin ni Estrada ang naiwang bag. Napansin na lamang niya ito nang bumaba siya upang bumili sa isang tindahan.

Wala sila kabantay ako pud wala may gani nihapit kog tindahan kay naa koy gipalit pagbalik nakog sakay nasiplatan nako ang bag,” kuwento niya.

[Hindi nila napansin, hindi ko rin napansin ang bag. Pagkahatid, dumaan muna ako sa tindahan para bumili. Pagbalik ko sa sasakyan, nakita ko ang naiwang bag.]
 Christian Estrada / Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Christian Estrada / Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Hindi na umano nagdalawang isip si Estrada na ibalik ang naiwang bag kaya dumiretso siya sa presinto upang personal na maisauli sa mag-asawa ang kanilang pera.

Ayon sa mag-asawa, gagamitin umano nila ang pera para magpagawa ng kanilang bahay.
Christian Estrada ay ang mag-asawang nakaiwan ng backpack / Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ipinagmalaki naman ng chairperson ng BALTRANSCO- isang taxi service cooperative sa Butuan City, na si Juanito Ubas ang ipinamalas na kabutihang loob ni Estrada.

[Laking pasasalamat namin na may driver kaming kagaya niya. Na-surprise talaga ako sa ginawa niya.]

Aniya, sana lahat ng tsuper, hindi lamang ng mga taxi, ay maging katulad ni Estrada kapag naharap sa kaparehong sitwasyon.

[Sana lahat ng drivers, hindi lang sa taxi, kundi sa lahat ng units, sana kagaya niya rin ang tugon[kapag naharap sa parehong sitwasyon.]]




***
Source: ABS-CBN