Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang cashier mula sa SM Legazpi City matapos nitong ibalik ang 140,000 pesos na naiwan ng isang customer sa counter habang namimili.
Sa Facebook post ni Marian Gelin Nieva, ibinahagi niya ang kabutihang loob ng cashier na si Ana Joy Pandili na nagbalik ng kanyang pera na pambayad umano sa mga suppliers ng kanyang kasal.
“Flex ko lang si Ms. Ana Joy Pandili – cashier ng SM Legazpi Department Store. Nagbalik siya ng pouch na naglalaman ng P140,000 + na naiwan ko sa cashier counter while buying stuffs for my wedding. Pambayad ko sa wedding suppliers ko yung money nay un,” sabi ni Nieva sa kanyang Facebook post.
Ayon naman sa interview ng Manila Bulletin kay Pandili, ikinuwento nito na bumili umano si Nieva ng medyas sa department store ng maiwan ang pouch nito sa counter.
“Bumili siya ng iconic na medyas at pagkatapos magbayad, naiwan niya yung pouch na may laman na pera. Naka-alis na siya saka ko napansin yung pouch. Three days pa bago nai-sauli sa kanya yung pera dahil walang kahit ni anong ID na pwede naming ma-trace kung sino may-ari. So walang ideya talaga yung may-ari na sa SM nga niya naiwan yung pera. Dahil sa SM advantage card, saka na-trace kung sino may ari dahil may contact naman yun. Sa main office po yung pag-trace sa kanya,” kwento nito.
Ayon pa kay Pandili, halos dalawang taon na umano siyang nagtatrabaho sa SM ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang hindi magbalik ng mga perang naiiwan.
“Actually po, training sa amin yan dito. Bago ka maging empleyado ng SM kailangan mong dumaan sa mga ganyang training na halimbawa may naiwan na gamit ang isang customer, dapat mo siyang isauli,” kwento ni Pandili.
Sa ngayon ay umabo na sa 29k reactions at 16k shares ang post ni Nieva.
Narito ang buong post ni Nieva:
"Flex ko lang si Ms. Ana Joy Pandili - cashier ng SM Legaspi department store. Nagbalik siya ng pouch na naglalaman ng P140,000+ na naiwan ko sa cashier counter while buying stuffs for my wedding. Pambayad ko sa wedding suppliers ko yung money na yun...
Pashare po ng maiparating sa SM Legaspi at tangkilikin naten ang good deed ni Ms. Ana. Mabuhay ka at maraming salamat sa ginawa mong kabutihan. Sana all. 😍😍😍
***
Source: Marian Gelin Nieva | Facebook / Manila Bulletin