Sa 1,731 na nakapasa sa Bar exams at ngayon ay ganap nang abogado, isa sa kanila ay proud security guard.
May isa na namang nagpatotoo sa kasabihan na walang imposible sa taong may pangarap. Ito ay matapos makapasa ng isang security guard sa isa sa mga pinakamahirap na pagsusulit para maging lisensyado sa isang propesyon: ang Bar exam.
Kinilala ang proud sekyu na si Roy Lawagan mula sa Baguio City na tahimik na nagdiwang ng tagumpay kasama ang kanyang pamilya.
Matapos malaman na sya ay pumasa sa Bar exams, pumasok pa din kinabukasan ang naturang guard suot ang kanyang uniporme bilang sekyu. Kasalukuyang nagtatrabaho noon si Lawagan sa COA o Commission on Audit office sa La Trinidad, Benguet province.
Itinuturing nyang maagang regalo para sa kanyang 27th birthday sa May 11 ang pagkakapasa nya sa Bar. Ayon pa sa kanya, hanggang May 15 na lamang sya sa nasabing trabaho.
Pagkatapos nito, tatanggapin nya umano ang alok ng kanyang pinsan na trabaho sa isang law firm sa Manila para kumuha ng experience.
Pagbabahagi ni Lawagan, napakahirap ng naging pagsasakripisyong ginawa nya para sa pangarap dahil pinagsasabay nya ang pag-aaral at pagta-trabaho.
Sa umaga sya nagdu-duty habang sa gabi ay uma-attend umano ito ng night classes sa kanyang unang taon sa law school.
Lalo umano itong nakakapagod dahil buntis pa ang kanyang asawa ng mga panahong iyon. Saad pa ni Lawagan, ang pag-aabogado ay pangarap ng tatay nya.
Pang-apat sa syam na magkakapatid, ilan umano sa kanyang mga kapatid ay nagtapos ng political science ngunit wala sa kanila ang kumuha ng abogasya.
Pinanganak ang abogado sa Sagada sa Mountain Province, ngunit nagtapos sya ng criminology course sa University of Baguio samantalang sa Saint Louis University naman sya kumuha ng abogasya.
Nang hindi sya makapasa noong 2014 sa bar exam sa kabila nang pag-enroll nya sa review center, nagpasya itong magsarili na lamang ng pagre-review para sa 2015 Bar exam.
Patunay lamang ito na basta may pangarap at pagsisikap ay maabot ang kahit anumang ninanais na makamtan.