Habang nangangamba ang publiko na baka magkaubusan ng sapat na supply ng pagkain dulot ng enhanced community quarantine, isang magandang balita ang inilabas ng President and Chief Operating Officer na si San Miguel Corporation President.
Bilang isa sa mga pinakamalaking distributor ng food, beverages, fuel, oil, infrastructure, and power sa bansa, napagdesisyunan ng kumpanya na mag-operate 24/7 para makapag-produce sa publiko ng pagkain gayundin ng alcohol.
Saad pa ng statement mula sa San Miguel, pagtutuunan nila ng higit na pansin ang mga pinakaapektadong tao ngayon sa bansa: ang mga mahihirap na mawawalan ng arawan na kita dahil sa enhanced community quarantine at ang mga health workers na buhay ang nakataya makapagsalba lamang ng buhay ng iba.
Dahil sa panic buying, madami ang hindi nakapamili ng mga importanteng pangangailangan gaya na lamang ng alcohol, sabon, tissue, canned goods, at marami pang iba.
Kasunod nito, sinigurado ni Ang na hindi magkakaubusan ng food supply dahil ayon sa kanya, may kakayanan ang San Miguel Corporation na mag-produce ng sapat na pagkain para sa lahat.
Dagdag pa ng business tycoon, mago-operate man 24/7 ang kanilang mga tauhan para sa food manufacturing ay gagawin naman nito ang ibayong pag-iingat para sa kalusugan ng kanilang mga tauhan.
“This isn’t about making profits. We have a responsibility to make sure that food is made available to as many people as possible,” saad ni Ang.
Ang mga ipo-produce nilang 70-percent ethyl alcohol ay planong ipamahagi ng kumpanya ng libre sa local government units na nangangailangan na syang magpupuno sa kakulangan ng alcohol ngayon sa National Capital Region.
Ayon pa kay Ang, balak din nilang mag-donate ng disinfectant powder sa LGUs at alcohol na nasa 20-liter containers hanggang 1,000-liter tote tanks para ma-disinfect ang mga ospital, government facilities, at ilan pang mga pampublikong lugar.