Namigay ng libreng almusal ang isang restaurant sa Pasig para sa mga health workers na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para lang malabanan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa banta na dala na coronavirus disease 2019 o COVID-19, may naisip gawin ang isang restaurant na ito para makatulong sila sa sarili nilang paraan.
Namigay ang Kanto Freestyle ng mahigit dalawang daang breakfast meals sa sampung iba't-ibang hospital para ipakita ang kanilang suporta at pasasalamat sa mga health workers.
Ang mga almusal na ipinamigay ng nasabing restaurant ay tocilog, longsilog at bagnet.
Dahil sa kanilang sakripisyo at dedikasyong ipinapakita upang makapagbigay ng atensyong medikal at mapigilan ang pagkalat ng sakit, maituturing silang mga bayani.
Nakuha umano ni Vincent Juanta, managing partner ng Kanto Freestyle, ang ideya matapos mabasa ang isang group chat ng ibang taong namamahagi ng pagkain sa health care providers.
Nag-umpisa ang kanilang pagkakawanggawa na ito noong March 13 hanggang 15 ng kasalukuyang buwan.
Tinawag nila itong “Project COVID-19 Frontline Warriors.”
Bukod sa pagkain ay may kalakip pa itong simpleng mensahe ng pagsaludo sa kanilang serbisyo, bagay na tiyak na magbo-boost ng moral ng mga 'frontline warriors'.
Ayon sa managing partner ng naturang restaurant, sa hirap ng kalagayan ng mga health workers ngayon, ito lang ang kanilang maiaambag.
Umani ng papuri mula sa mga netizen ang ginawa ng restaurant na ito. Sa ngayon, ang Facebook post ni Juanta kung saan nya ibinahagi ang pagtulong ay meron nang 15k reactions at 4.2 shares.
Sa bayan naman ng Apalit, Pampanga, namahagi ang lokal na pamahalaan ng alcohol sa mga residente bilang pag-iingat laban sa virus.
Narito ang caption ni Juanta sa kanyang Facebook post, pati mga larawan:
With all the help and sacrifices that they are doing right now, the least that we can do is to show our appreciation and express our gratitude to all our frontline healthcare workers, who are our modern-day heroes during these trying times.
The Kanto Freestyle group are sending some food packs to nearby hospitals, through Transportify, for the doctors, nurses, and other hospital staff, as a way of thanking them for their tireless efforts in ensuring the safety of our community amid the COVID-19 pandemic. Salute!