Pokwang naghanda ng pagkain para sa mga pulis at sundalo; Lubos rin na nagpapasalamat sa lahat ng mga health workers - The Daily Sentry


Pokwang naghanda ng pagkain para sa mga pulis at sundalo; Lubos rin na nagpapasalamat sa lahat ng mga health workers



Larawan kuha mula sa post ni Pokwang

Iisa lang ang hinahangad at dinadasal ng lahat ng tao sa gitna ng krisis na kinakaharap ng buong mundo, yun ay ang sana ang lahat ng pagsubok na ito ay atin ng malagpasan.

Kasabay ng walang kapaguran na pakikipaglaban ng bansa kontra Coronavirus Disease 19 o mas kilala sa COVID-19 bumuhos din ang mga nakakaantig na pagsuporta ng mga tao sa ating mga frontliners na mga medical professionals, kapulisan at mga militar.

Katulad nalang ng paraan ng pagtulong at pagsuporta ni Pokwang sa ating mga kapulisan at ng mga sundalo na siyang naatasan upang sundin ang direksyon at mandato ng gobyerno sa pagpapasailalim nito sa buong Metro Manila sa Community Quarantine.

Ibinahagi ng sikat na artista at komedyante sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang gumagawa at naghahanda ng pagkain para sa mga pulis at sundalo na nagbabantay sa mga checkpoint.

Larawan ng IG post ni Pokwang

Dagdag pa ni Pokwang na isusunod niyang ipaghanda ang ating mga health frontliners at workers sa mga hospitals.

"Goodmorning.... pa tuna sandwich po para sa ating mga pulis, sundalo sa checkpoint next naman sa mga doctors and nurses," saad niya.

Paalala din niya na sa panahong ito kung saan nasa matinding pagsubok ang ating bansa sanhi at banta ng COVID-19  ay huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Positibo niyang inilahad sa lahat na kumapit lang sa gitna ng mahirap na sitwasyon at ang lahat ng ito ay matatapos din.

Paalala din niya sa lahat nating mga kababayan na sana manatili nalang sa loob ng bahay para narin sa kaligtasan ng buong pamilya at para sa buong bayan.

"PAALALA" MANAHIMIK KA SA NAHAY PARA SA IKABUBUTI NG MGA MAHAL MO SA BUHAY AT NG BAYAN," dagdag niya.

Sa isa pa niyang IG post na kalakip ang isang larawan ng mga medical personnel kung saan malugod siyang nagpapasalamat sa kanila bilang mga health frontliners at pinangako niyang lagi niya itong sinasama sa kanyang mga dasal na sanay protektahan at panatilihing ligtas.

Larawan ng IG post ni Pokwang


Pangako lagi kayo sa mga dasal ko at ang buong mundo 🙏🏽❤️maraming salamat sa inyo... May God protect you and keep you safe 🙏🏽Mabuhay po kayo,

Narito ang kanyang buong post: 

Goodmorning.... pa tuna sandwich po para sa ating mga pulis, sundalo sa checkpoint next naman sa mga doctors and nurses.... wag mawalan ng pag asa matatapos din ito kapit lang mahal kong kababayan 🙏🏽❤️Lord Jesus will cover us with his holy blood trust in him lang paaakkk again PAALALA" MANAHIMIK KA SA NAHAY PARA SA IKABUBUTI NG MGA MAHAL MO SA BUHAY AT NG BAYAN 🙏🏽❤️

***

Source: Pokwang IG, 1

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!